Proverbs 15:18
A hot-tempered man stirs up dissension, but a patient man calms a quarrel.
*****
RYSHA POV
"Ang tapang mo naman ata."
Nakangiti nyang sabi nang magtagpo ang mga tingin namin.
"I-ikaw??"
"yap, ako nga."
Lumapit sya akin kaya umatras ako para makalayo sa kanya.
"Paanong napunta sayo ang garnet gem?"
"Alam mo ang tungkol sa mga gem? Teka, sino ka bang talaga hah?"
Naglakad ulit sya papalapit sa akin kaya umatras ulit ako.
"Paano mo nagawa yun kay Lizeth?"
Sa halip na sagutin ang tanong nya ay tinanong ko din sya. Pero sa halip na sagutin ang tanong ko, tumawa lang sya ng malakas. Lumapit ulit sya sa akin kaya umatras ulit ako kaso wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa may pader. Tuluyan na syang nakalapit sa akin at itinukod nya ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong gilid.
"Nasaan na ang mga pangbabara mo?"
Nakangisi nyang sabi sa akin. Gusto ko syang itulak palayo pero hindi ako makagalaw. Hindi ko mautusan ang katawan ko na gumalaw dahil minamanipula nya ang isip ko gamit ang garnet ko.
Unti unti nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Gusto kong umiwas pero hindi ako makagalaw.
"M-michael"
Sa wakas ay nagawa kong makapagsalita at mabanggit ang pangalan nya. At dahil doon ay natigilan sya pero hindi pa din nya tinatanggal ang mga kamay nya sa magkabila kong gilid.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."