John 13:34
A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another.
*****
LIZETH POV
"Zai, nakita ko na yung records ni Ry."
Ibinigay ko ang hawak kong papel kay Zairah. Pumuslit kasi ako sa opisina ng academy para kunin ang files ni Rysha. Buti na nga lang at umalis itong si Rysha kaya naisagawa namin ang plano namin ni Zairah. Ganun kami kapursigido na malaman kung tunay nga bang magpinsan sina Ry at Throy. Kapag nalaman namin na magpinsan sila, edi titigilan na namin sila. Pero kapag hindi, ehem ^_^, party party na ito :D.
"Walang nakalagay dito kung sino ang mga magulang ni Ry. At ang nakalistang relatives nya lang dito ay sina Throy."
Tumingin din ako dun sa papel dahil sa sinabi ni Zairah. Tama nga sya, walang ibang nakalagay na kamag-anak or magulang si Rysha dito. Bakit?
"Sa tingin mo ba may tinatago sila tungkol sa pagkatao ni Rysha?"
"Kung may tinatago man sila, bakit naman nila yun itatago?"
Oo nga naman, bakit naman maglilihim sina Rysha tungkol sa pagkatao nya? Pero pwede yun kung hindi talaga sila magpinsan. At kung hindi sila magpinsan, sino si Rysha?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Zairah. At sa palagay ko ay iisa lang ang iniisip naming dalawa.
"Dapat na ba tayong matakot kay Rysha? I mean, diba kasi hindi natin kilala kung sino ba talaga sya?"
"Ano ka ba Zairah? Yung pagkatao lang ang hindi natin alam sa kanya. Pero alam nating mabait si Ry at hindi sya gagawa ng bagay na ikapapahamak natin."
Kung may inililihim man sa amin si Rysha, alam kong may dahilan yun. I know Ry, mabait sya at alam kong hindi sya threat sa elemental world.
"Tara na nga lang, itago mo yang papel."
Itinago ni Zairah yung papel sa bag nya then naglakad na kami. Malapit na din kasing matapos ang lunch break kaya kailangan na naming pumunta sa training field ng section namin. Dati, kapag hapon at training na, magkakasama ang mga magkakapareho ng element. Pero ngayon ay iba na, by section na ang training namin.
"Lizeth, sina Throy ba yun?"
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."
