John 1:1-3
1In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. 2He was with God in the beginning. 3Through him all things were made; without him nothing was made that has been made.
*****
THROY POV
Nakita ko ang pinsan ni Michael na lumapit kay Rysha. Lalapitan ko na sana sila kaso naisip ko na sa ugali ni Rysha, alam kong hindi sya matatagalan ni Cedrick.
Knowing Cedrick, alam kong type nya si Rysha. Hindi ko naman kasi maitatanggi na maganda talaga si Rysha at yung personality nya na mahilig mangbara ay mas lalong nakakaattract para sa mga lalaki.
Pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa lumapit sa kanila si Michael. Kinausap nya ang pinsan nya.
Nag-uusap lang sila nang biglang namutla si Rysha. Napansin ko din ang biglang panghihina nya kaya agad ko syang nilapitan. Yung dalawang lalaki ay parang hindi napapansin ang kalagayan ni Rysha.
"Ry, ok ka lang?"
Hindi ako pinansin ni Rysha hanggang sa nawalan na sya ng malay.
"Rysha, hey."
Sinubukan ko syang gisingin kaso hindi sya nagreresponse. Napansin na kami nina Michael kaya agad silang lumapit sa amin.
"Anong nangyari?"
May pag-aalalang tanong ni Michael. Isa isa na ding lumapit sa amin sina Lizeth at nag-aalala na din sila.
"Hindi ko alam. Iuuwi ko na lang muna sya."
Binuhat ko ang walang malay na si Rysha at nagmadaling lumabas ng bar. Sumunod naman sa akin ang barkada.
"Sasama kami."
"Wag na. Kami na lang nina mama ang bahala sa kanya. Balitaan ko na lang kayo."
Hindi ko na hinayaan ang barkada na magpumilit pang sumama sa amin. Agad akong nagpalabas ng element ko at lumipad para mas madaling makarating sa bahay.
Pagkarating ko sa bahay ay nagtaka ang magulang ko dahil buhat ko si Rysha.
"Nawalan na lang sya basta ng malay."
Maikli kong paliwanag sa kanila. Dinala ko sya sa kwarto nya kasunod ang mga magulang ko. Agad nilang chineck si Rysha pero wala naman daw itong kahit na anong sakit. Hindi din naman daw ito labis na nawalan ng lakas o enerhiya.

BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."