CHAPTER 6

8.2K 345 4
                                        

Deuteronomy 11:32

be sure that you obey all the decrees and laws I am setting before you today.




*****


RYSHA POV


"Throy..Rysha..si Lizeth.."


Napatayo kami bigla nang magsalita mula sa likod namin si Brylle..


"bakit..anong nangyari?.."


"sumama na lang kayo.."


Nagkatinginan kaming dalawa ni Throy pagkatapos ay sinundan namin si Brylle..hanggang sa makarating kami sa may training field..


"Lizeth.."


"lumayo kayo sa akin..hindi ko makontrol ang element ko..ouch!!.."


Inilayo agad ako ni Throy kay Lizeth..panay kasi ang pagpapalabas ni Lizeth ng element nya at tinatamaan sya nito..puro galos na ang katawan nya at may ilang sugat na dumudugo na din..ni isang elementalist ay walang lumapit sa kanya para tulungan sya..pinapanood lang sya ng mga ito..maski sina Throy ay wala ding magawa..


Nilibot ko ang tingin ko sa mga estudyante ng academy..maaaring kinokontrol ng may hawak ng gem ko ang isip ni Lizeth..kaya nasasaktan nya ang sarili nya..



"aahhhh.."



Napatingin ulit ako kay Lizeth..hinang hina na sya at ang dami na nyang sugat..wala nang panahon para mag-isip pa kung sino ang kumokontrol sa kanya..


"Throy..lalapit ako kay Lizeth..at kapag nakalapit na ako sa kanya..gawan mo kami ng shield.."


"no Ry..mapanganib yan..baka mapahamak ka pati si Lizeth.."


Umiling ako..


"kapag hinayaan lang natin ito..baka mapatay ni Lizeth ang sarili nya..just do what I said.."


Pagkasabi ko nun ay lumapit na ako kay Lizeth..nakaluhod na sya at sa tingin ko ay hindi nya napansin ang paglapit ko sa kanya..nilagyan kami ni Throy ng shield..palihim akong nagpalabas ng water element ko at pinatibay ko ang shield..at dahil sa element ko, hindi maririnig ng mga estudyante ang maaari naming mapag usapan ni Lizeth..


"Lizeth.."


Tawag ko sa kanya..tumingin sya sa akin at bigla na lang nya akong tinira ng fire ball nya..agad ko naman yung naiwasan..


"lumayo ka na Ry..hindi ko makontrol ang element ko..hindi ko makontrol ang sarili ko.."


Umiiyak na si Lizeth..nakaramdam ako ng awa sa kanya..


"lumaban ka Lizeth..ikaw ang nagmamay-ari ng sarili mo at nang element mo..walang ibang pwedeng kumontrol sayo kundi ikaw lang.."


Bumato ulit si Lizeth ng isa pang fire ball..nahihirapan syang labanan ang kumokontrol sa kanya..


"Lizeth..wag kang magpakontrol!.."


"aaahhhhh.."


Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya..nagpalabas ulit sya ng fire element at nilapnos nito ang braso ko habang patuloy lang sya sa pagsigaw..sinamantala ko ang pagkakataon na yun para malagyan sya sa may batok nya ng pinagsamang water at air element..ginawa ko ito upang hindi na sya muling makontrol ng elementalist na may hawak ng garnet ko..


Hanggang sa unti unti na syang nawalan ng malay..nawala na ang shield sa paligid naming dalawa at lumapit na sa amin sina Throy, Zairah, Brylle at Michael..agad syang binuhat ni Brylle at dinala namin sya sa clinic..


Agad namang ginamot nung nurse sa clinic si Lizeth..kami namang lima ay lumabas muna at naupo sa may bench malapit sa clinic..


"Ry..salamat.."


Niyakap ako ni Zairah..umiiyak sya..


"Zai.."


"kung hindi dahil sayo..baka wala na si Lizeth ngayon..salamat Ry..salamat.."


"ginawa ko yun dahil kaibigan ko sya..kaibigan ko kayo.."


Niyakap ako ng mahigpit ni Zairah..dahilan upang kumirot ang sugat ko sa braso na natamo ko kanina mula kay Lizeth..pero hindi ko na lang yun pinahalata kay Zairah..hinayaan ko lang na yakapin nya ako..ganito pala ang pakiramdam na may kaibigan..kaibigan ko naman ang mga kapwa ko psyche..pero iba pa din pala kapag ang kaibigan ay kasing edad mo lang..


Ilang saglit lang ay bumitaw na sa akin si Zairah..


"ang tapang mo Ry.."


Puri sa akin ni Michael..nginitian ko na lang sya..


Sina Throy at Brylle ay tahimik lang..iniisip siguro nila kung bakit hindi nakontrol ni Lizeth ang element nya..


Malakas talaga ng kutob ko na ang may hawak ng garnet kong gem ang may kagagawan nun..alam kong malapit lang sya sa akin..at kailangan kong mabawi agad ang gem ko para wala nang elementalist ang mapagaya kay Lizeth..


Palihim kong nilagyan ng pinagsamang water at air element ko sina Zairah, Throy, Michael at Brylle katulad ng ginawa ko kay Lizeth..para hindi din sila mokontrol..


I consider them as my friends..kaya poprotektahan ko sila laban sa mga may hawak ng gems ko..


FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon