CHAPTER 64

5.2K 192 8
                                        

Ephesians 1:7

7 In him we have redemption through his blood, the forgiveness of sins, in accordance with the riches of God's grace.






*****


RYSHA POV


"Hoy kayong tatlo, bakit bigla na lang kayong nawala?", yan agad ang bungad sa amin ni Brylle nung makita nila kami sa isang bench.


"Eh kayo kaya ang bigla na lang nawala.", depensa naman ni Lizeth.



Hindi ko na lang sila pinansin at nanahimik na lang sa pwesto ko. Nagtatalo na yung dalawa ni Brylle at Lizeth habang ang iba ay pinagtatawanan na lang sila. Para kasing aso at pusa yung dalawa kung mag-away.


Bigla namang tumabi sa akin si Throy kaya napatingin ako sa kanya.



"May problema ba?", seryoso nyang tanong sa akin.


"Wala naman. Hindi lang maalis sa isip ko yung sinabi nung manghuhula kanina."


"Nagpahula kayo?"



Medyo malakas ang pagkakatanong ni Throy kaya nabaling sa amin ang atensyon ng buong barkada.



"Nagkatuwaan lang naman kaming tatlo Throy. Kaso mukang baliw yung napuntahan namin. Diba Lizeth?", tatawa tawang sabi ni Zairah.


"Oo nga, kung ano ano lang ang sinabi kay Rysha.", segunda naman ni Lizeth.



Tumingin naman sa akin si Throy na parang nag-aalala. Nginitian ko na lang sya.



"Ano bang sabi sayo nung manghuhula?", tanong pa ni Throy.


"Wag mo nang intindihin yun. Gaya nga ng sabi nila, mukang nagbibiro lang yung babae."


"Teka, dun tayo dali.", tuwang tuwa na sabi ni Brylle.



Nagtakbuhan sila papunta dun sa may maliit na stage kung saan may nagpeperform. Mga fire tricks yata ang ipinapakita nila. Naiwan kaming dalawa ni Throy na nakaupo pa din.



"Hindi ka maaapektuhan ng ganyan kung sa tingin mo ay biro lang ang sinabi sayo nung manghuhula.", sabi ni Throy.


"Hindi ako naapektuhan Throy."


"Talaga? Eh kanina ka pa tahimik at tulala. Tapos sabi mo pa ay naaalala mo yung sinabi sayo ng babae. Ano bang sinabi nya sayo?"

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon