Proverbs 11:28
Whoever trusts in his riches will fall, but the righteous will thrive like a green leaf.
*****
RYSHA POV
Naalimpungatan ako at napatingin sa relo. Alas onse na pala ng gabi. Mukang napahaba ang tulog ko. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Tahimik na ang paligid at tulog na ang mga elementalist.
Umupo ako sa may kama ko at napansin ang isang note sa table ko.
Ry,
Nanggaling pala dito ang mga magulang mo. Sayang, hindi namin sila naabutan. Nga pala, hindi na kita ginising, mukang pagod na pagod ka eh. Basta kapag nagutom ka, may pagkain sa kusina. Kumain ka na lang :)
---tita Riya
Napangiti ako sa note na ginawa ni tita Riya. Napakamaalaga talaga nya.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa may salas. Naabutan ko si Throy na nakaupo sa sofa na parang ang lalim ng iniisip.
"Throy"
"ui, gising ka na pala"
Bungad nya sa akin na parang nagulat pa nga sya ng tawagin ko sya. Napangisi ako.
"Ay hindi pa ako gising, picture ko lang ito."
Pangbabara ko sa kanya. Napakamot na lang sya ng ulo nya na ikinatawa ko na lang.
"Kamusta na pala ang sugat mo?"
Pang-iiba nya ng usapan. Umupo din ako katapat nya bago nagsalita ulit.
"Malayo sa bituka. Bakit gising ka pa?"
"Dahil hindi ako tulog?"
Napangisi na lang ako sa sagot nya.
"Nice try Throy."
"tss"
Yun lang ang sabi nya at tumayo na sya.
"Saan ka pupunta?"
"Tutulog na. Good night."
Hindi man lang nya ako hinarap. Dere deretso lang sya paglalakad hanggang sa makapasok na sya ng kwarto nya. Napasandal na lang ako sa upuan. Panigurado na hindi pa ako makakatulog nito.
Tumayo na lang din ako at pupunta na sana ulit sa kwarto ko. Kaso napalingon ako sa may pinto. Hindi naman siguro mapanganib kapag gabi dito sa elemental world.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas ng bahay. Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa may elemental tree.
Wow, ang ganda pala talaga nya.
Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin pa din sa elemental tree. Napakatingkad ng kulay ng mga dahon na nagrerepresent ng apat na elemento ng mundong ito. Lalo na yung kulay gintong bunga nito na syang pinaka nagniningning sa puno. Isama pa ang mga bulaklak na nakapaligid sa puno. Napakaganda talaga nito. Kaya pala dito nabuo ang love story nina mommy at daddy.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang hangin. Napakasariwa ng hangin na nakakapagparelax at nakakagaan ng pakiramdam.
Ninanamnam ko pa ang sariwang hangin ng bigla kong naramdaman ang air element ko na parang nagwawala sa katawan ko. At sa pagmulat ng mata ko ay ang saktong paglabas nito sa dalawa kong kamay. Lumayo agad ako sa napalabas kong element kaso kusang kumumpas ang mga kamay ko kaya lumapit ito sa akin hanggang sa inatake na ako ng sarili kong element. Tinamaan ako nito sa braso ko kung saan may sugat ako. Napangiwi na lang ako sa sakit at hapdi.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang may pakana nito. Panigurado na ang may hawak ng garnet ko ang may kagagawan nito. Minamanipulate nya ang isipan ko para makapagpalabas ako ng element ko ng hindi ko namamalayan.
"Kung sino ka man, magpakita ka sa akin!"
Nakarinig ako ng malakas na tawa mula sa likuran ko. Kaya humarap ako doon.
"Ang tapang mo naman ata."
Nakangiti nyang sabi nang magtagpo ang mga tingin namin.
"I-ikaw??"

BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."