2 Corinthians 4:6
For God, who said, "Let light shine out of darkness," made his light shine in our hearts to give us the light of the knowledge of God's glory displayed in the face of Christ.
*****
RYSHA POV
"Sigurado ka ba na yung batong yun ang gem mo?", tanong sa akin ni Throy habang inaalalayan nya ako.
Medyo matarik kasi itong bundok. Gustong gusto ko na nga lang lumipad kaso mauubos ang lakas ko. Hindi naman pwedeng mangyari yun dahil malakas ang pakiramdam kong mapapalaban ako sa pagkuha ng gem ko. Kasama ko pa itong dalawa na ayokong madamay at masaktan.
"Teka lang, baka naman pwede tayong magpahinga kahit konti lang.", sabi naman ni Michael na nakahawak na sa tuhod nya.
"Okay lang ba Ry na tumigil muna tayo? Pagod ka na din eh.", sabi naman ni Throy na pinunasan pa ang pawis sa noo ko.
"Sige."
Pinagalaw ni Throy ang mga sanga ng puno sa paligid namin at gumawa ng isang mahabang upuan. Umupo naman kaming tatlo doon.
"Sa palagay ko ay nangangalahati na tayo. Mararating din natin ang tuktok ng bundok.", seryosong sabi ni Throy.
Yung ginawang upuan ni Throy ay may sandalan kaya sumandal ako doon at pumikit. Nagpalabas din ako ng air element ko para magkaroon naman ng hangin sa paligid.
"You know what, dapat hindi na kayo sumama sa akin. Paano kapag nadamay pa kayo?", sabi ko sa kanilang dalawa habang nakapikit pa din.
Naramdaman ko namang may pumitik sa noo ko kaya napamulat ako ng mata. Since nakapikit ako kanina, hindi ko alam kung sino sa kanila ang pumitik sa akin kaya pareho ko silang sinamaan ng tingin. Nagturuan naman yung dalawa kaya napairap na lang ako. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko.
"Alam mo bang kapag nalaman nina Lizeth na pinabayaan ka namin, yari kami dun.", sabi ni Throy.
"Katakot takot na sermon ang makukuha namin sa dalawang yun.", sabi naman ni Michael.
"Wala namang mangyayaring masama sa akin eh.", sabi ko sa kanila habang nakapikit pa din.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."