CHAPTER 13

8K 306 13
                                        

Colossians 2:6-7

6 So then, just as you received Christ Jesus as Lord, continue to live your lives in him, 7 rooted and built up in him, strengthened in the faith as you were taught, and overflowing with thankfulness.




*****


RYSHA POV


Isa isang tinawag ang lahat ng estudyante at pinapapasok sa may opisina ng council. Pinagmamasdan ko lang ang lahat ng estudyante, may lumalabas sa opisina na masaya at meron ding dismaya. Nung lumabas sina Throy ay masaya sila maliban na nga lang kay Lizeth.


"Ok lang yan Lizeth, pwede pa yang tumaas pagkatapos ng first ranking test natin."


Pampalubag loob na sabi ni Zairah. Ako naman ay nao-OP na kaya hindi ko na napigilan ang magtanong. Ako lang kasi ang hindi tinawag at pinapasok sa opisina eh.


"Teka, ano bang meron?"


"Ibinigay na sa amin ang monthly allowance namin."


Nakangiting sabi ni Brylle habang pinapakita nya sa akin ang white envelope na hawak nya.


"Yung sayo, ibibigay daw after ng first ranking test natin. Dun nila ibabase kung magkano ang allowance mo."


Sabi naman ni Throy na seryosong seryoso pa din. Tiningnan ko lang sya ng may pagtataka. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit may allowance ang mga estudyante.


"Sige na guys, mauna na kami ni Ry."


"Bye"


Hinila na lang ako basta ni Throy at ako naman, dahil sa pagkabigla ay napasunod na lang sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa may elemental tree. Akala ko ba uuwi na kami?


"Anong ginagawa natin dito?"


Tanong ko sa kanya. Naupo kasi sya sa may damuhan. Ako naman ay nanatili lang na nakatayo.


"Alam kong marami kang tanong, umpisahan mo na."


Seryoso nyang sabi kaya naupo ako sa harap nya pero mga 3 inches ang layo ko sa kanya.


"Paanong nagkaroon ng allowance?"


Bumuntung hininga muna si Throy bago nagsalita.


"Ang Elemental World ay pinapaikot na ng Tierra. Ang Tierra ang pera ng mundong ito."


"Teka, paanong nagkaroon ng ganitong sistema sa mundo nyo? Dati naman diba walang pera na pinapairal dito?"


"Dati yun Rysha, marami nang nagbago sa mundong ito. Hindi ko alam kung paano na-adapt ng mundo namin ang pamumuhay ng mga tao sa mundo nila. Pero ang mundong ito ay wala ng pagkakaiba sa mundo ng mga tao, maliban na nga lang sa mga element namin."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon