John 1:16
Out of his fullness we have all received grace in place of grace already given.
*****
THROY POV
"Throy, pwede ba tayong mag-usap?"
Napatingin ako kay dad na seryosong nakatingin sa akin. Tumango na lang ako then sumunod ako sa kanya papunta sa may garden namin.
"Narinig ko ang pag-uusap nyo kanina ni Rysha."
Umiwas ako ng tingin kay dad.
"Anong nangyari?", seryoso nyang tanong sa akin.
"Nakita ko sila ni Michael sa may falls kanina, magkayakap sila."
"Kaya mo sinaktan si Michael?"
"Dad, I know Michael. Alam kong may gusto sya kay Rysha, halatang halata ko na yun. At hindi ako papayag na makasama sa koleksyon nya si Rysha."
Nung unang beses na ipinakilala ko si Rysha sa barkada, alam kong nagkagusto na sa kanya si Michael. And knowing Michael, wala syang sineseryoso. Paglalaruan nya lang si Rysha.
"Does hurting Michael changes everything?", tanong naman sa akin ni dad.
Nagkibit balikat lang ako.
"Ipagpalagay na natin na nililigawan ni Michael si Rysha, sa tingin mo ba ay ieentertain sya ni Rysha?"
"I don't know and I don't care."
"You don't care but why you reacted like that? It looks like your so much affected of that idea."
"No dad, I'm not affected."
Tiningnan naman ako ni dad ng seryoso. And I know that look. Bumuntong hininga ako at itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang sumusuko sa kanya.
"Okay, you won dad. I'm affected.", pag-amin ko sa kanya.
"Why?"
"I think I'm jealous."
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."
