CHAPTER 25

7.3K 256 8
                                        

Psalm 55:22

Cast your cares on the LORD and he will sustain you; he will never let the righteous fall.






*****


RYSHA POV



"Saan ba tayo pupunta?"



Naglalakad kami ngayon ni Throy at hindi ko alam kung saan kami pupunta.


Sabado ngayon at nakahiga lang ako sa kama ko nung biglang pumasok si Throy at pinilit akong samahan daw sya. Nung tinanong ko naman sya kung saan kami pupunta ay nagkibit balikat lang sya.


Tutal naman ay naiinip na ako sa bahay kaya sumama na lang din ako sa kanya.



"Basta."


"Kanina pa tayo naglalakad at napapagod na ako Throy."



Nakapamewang kong sabi sa kanya. Tumigil din ako sa paglalakad dahil napapagod na talaga ako. Halos kalahating oras na din kaming naglalakad at nandito pa din kami sa forest. Nasa labas na din kasi kami ng academy at hindi ko na alam ang lugar na ito.


Lumapit sya sa akin then umupo patalikod sa akin.



"Sakay."



Nagpalinga linga ako sa paligid at naghanap ng kung saan ako sasakay. Wala namang unicorn sa paligid. Saan ako sasakay?



"Sakay na sa likod ko."



Yun ba yung piggie back ride?


Eh?



"Seryoso?"


"Oo. Kaya sumakay ka na bago pa magbago ang isip ko."



Agad akong sumakay sa likod nya. ^_^


Minsan lang ang kabaitang pinapakita sa akin ni Throy kay lulubusin ko na.



"Ang bigat mo pala."



Seryosong sabi sa akin ni Throy nung mabuhat na nya ako. Nainis naman ako kaya binatukan ko sya.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon