Psalm 37:37
Consider the blameless, observe the upright; a future awaits those who seek peace.
*****
RYSHA POV
After ng pag-uusap namin nina Mommy at Daddy ay bumalik na sila sa Psyche World. Balde baldeng luha ang iniiyak ko nung umalis sila. Masyado ata akong naapektuhan dun sa ilusyon na sinaksak ako ni Mommy. Kaya ganun na lang ako kaemosyonal nung makita sila at lalo na nung umalis na sila. First time ko atang umiyak ng sobra sa harap ng mga magulang ko. At first time ko ding pinakita sa kanila na mahina ako at sumuko ako.
Naipaliwanag naman ni Throy kay Ian ang lahat. Nung una nga ay hindi pa sya makapaniwala na isa akong Psyche. Pero dahil sya na din ang nakasaksi ng mga kaya kong gawin ay naniwala na din sya. Nangako naman sya na wala syang pagsasabihan ng sikreto ko at pinanghahawakan ko ang pangako nyang yun. Malaki ang tiwala ko kay Ian.
Nagdecide na din ang council na papasukin sa academy si Ian para daw makontrol ang element nya ng tama. Hindi pala sya pinapasok sa academy noon ng kanyang nanay dahil nga sa sumpa daw. Mabuti na lang na napapayag na ito na pumasok na sa academy.
Pagkatapos ng gulong nangyari, masasabi kong bumalik na sa dati ang lahat. At balik na ulit ako sa paghahanap ng walo ko pang gem. Kahit medyo may sinat pa ako ng konti ay binalewala ko na lang.
Sa katunayan nga ay nandito ako ngayon sa isang burol kung saan tanaw ko ang buong Elemental World. Nadiskubre ko ito noong nagmamasid masid ako sa academy.
Tahimik naman ang buong Elemental World sa ngayon at wala naman akong matanaw na kaguluhan o kakaibang aura.
Kaya nagpasya na akong bumalik sa academy dahil malapit na ding mag-umpisa ang klase ko. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis sa burol ay may sumulpot na isang ibon sa harapan ko. At kung hindi ako nagkakamali ay ito yung ibong nagbigay sa akin noon ng sulat. May nakaipit ulit na sulat sa mga paa nya na agad ko namang kinuha sa kanya.
"Sino bang amo mo? Sinong nagpapadala ng mga ito?"
Muka akong ewan dito dahil kinakausap ko ang isang ibon. Pero nakakapagtaka na kasi, patatlong beses na ata itong sulat. At saka malay mo biglang magsalita ang ibon na ito.
Ipinagaspas ng ibon ang kanyang pakpak habang deretsong nakatingin sa akin. Parang may gusto syang sabihin pero hindi ko naman maintindihan. Mga ilang minuto din kaming nagtitigan bago sya lumipad palayo sa akin. Pinagmasdan ko na lang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."