Hosea 6:1-2
1 "Come, let us return to the LORD. He has torn us to pieces but he will heal us; he has injured us but he will bind up our wounds. 2 After two days he will revive us; on the third day he will restore us, that we may live in his presence.
*****
RYSHA POV
"Wow, ang ganda ganda mo Rysha.", nakangiting sabi sa akin ni Miya.
Napatingin naman ako kay tita Riya na masayang nakatingin din sa akin. Katatapos lang kasi nila akong ayusan dahil malapit na ang elemental ball. Kanina pa nga ako kinakabahan at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay sa kadahilanang pangarap ko lang dati ang makaattend sa isang ball na ganito, and now ito na, matutupad ko na yung pangarap ko.
"Hija, isuot mo na ang damit mo.", nakangiting sabi sa akin ni tita Riya.
Nakaayos na si tita Riya dahil kasali din sila sa elemental ball. Ang ganda nya nga eh, bagay na bagay sa kanya ang suot nya.
Kinuha ko na ang damit ko na mismong si tita Riya pa ang bumili. Kulay pink ito na above the knee ang haba. Hindi na daw kasi uso ang long gown sa panahon ngayon kaya dress ang damit namin. Simpleng dress lang naman yung damit ko na malambot ang tela. Fit ito sa akin then flowy yung pinakapalda.
Sabi ni tita Riya, okay na daw sa akin ang light make up which is pabor naman sa akin. Yung buhok ko naman ay nakalugay lang then yung dulo nito ay medyo kulot.
Pagkasuot ko nung dress ko ay tumingin ako sa salamin. Wala namang masyadong pinagbago ang itsura ko. Nagkaroon lang ng kulay ang mukha ko kaya mas nagmuka akong babae.
Kinuha ko yung heels ko at isinuot na din yun. Then after nun ay humarap na ako kina tita Riya at Miya.
"Wow.", sabay nilang sabi sa akin nung makita nila ako.
"Ah eh, ayos lang po ba?", nahihiya kong tanong sa kanila.
"Oo naman Rysha, napakaganda mo hija.", nakangiting sabi sa akin ni tita Riya.
Napangiti na lang din ako at napahawak sa kwintas na bigay sa akin ni Throy. Mawawala na nga pala ito mamayang 12 midnight.
"Mauna na kami ni Jethro sa venue hah. Ingat kayong dalawa ni Throy."
"Thanks po tita Riya and Miya."
Lumabas na si tita Riya kasama si Miya. Muli naman akong humarap sa salamin.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasía12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."
