CHAPTER 53

6.2K 229 32
                                        

Psalm 25:9

He guides the humble in what is right and teaches them his way.






*****


RYSHA POV


Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay sya agad ang nakita ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko at titig na titig sya sa akin.



"It's official, you are my date on foundation day.", nakangiti nyang sabi sa akin.



Pero hindi sa sinabi nya nakatuon ang atensyon ko, kundi sa mukha nya na isang pulgada na lang ata ang layo sa akin. Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa. Kaya tumalikod na lang ako sa kanya at saka bumangon. Nakatulog pala ako kanina tapos paggising ko, ito na, sya na ang magiging date ko sa foundation day.


Napahawak naman ako sa leeg ko dahil bukod sa gem necklace ko ay may isa pang kwintas na nakakabit dito. Ang pendant nung kwintas ay clear crystal na may autumn leaf sa loob.


Biglang nagbago ang paligid namin at nandito na kami ngayon sa gym ng academy. Katabi ko na sina Lizeth at Zairah na parehong nakabusangot ang mga mukha.



"Okay students. Bawal makipagpalit ng partner hah. You were dismissed!"



Isa – isa nang nagsialisan ang mga estudyante. Yung iba ay masaya habang yung iba naman ay parang naiinis. At kasama na nga sa mga naiinis ay sina Lizeth, Zairah, Brylle, Aaron at Michael. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Throy, nagkibit balikat lang sya habang nakangiti. Tss.



"Problema nyo?", tanong ko na lang kina Lizeth.


"Worst foundation ever!", inis na inis na sabi ni Lizeth sabay tingin ng masama kay Brylle.


"As if namang gusto kitang kadate. Bakit ba kasi nagkaroon pa ng game na yan. Asar!", inis na sabi din ni Brylle.



Obvious naman na silang dalawa ang magkadate sa event na yun. Inilipat ko naman ang tingin ko kay Zairah.



"Kainis!", nagpapadyak na sabi naman ni Zairah.


"Tss, naiinis din ako dahil ikaw pa ang napili ko. Kung hindi nga lang required ang foundation day nay an eh.", walang ganang sabi ni Aaron habang nakatingin kay Zairah.



So sila namang dalawa ang magkadate. Napangiti na lang ako ng lihim. Parang masaya ata maging match maker sa apat na ito ^_^.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon