Ephesians 1:13
And you also were included in Christ when you heard the message of truth, the gospel of your salvation. When you believed, you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit,
*****
RYSHA POV
"Sinaktan mo ang mga kaibigan ko."
Punong puno ng galit ang mga mata ni Throy. Ganitong ganito sya nung magalit sya sa mga estudyanteng pinag-uusapan ako nung time na nakatulog ang katawan ko.
Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi ko ata kayang labanan si Throy pero sa sitwasyong ito, kayang kaya nya akong saktan. At wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang protektahan at depensahan ang sarili ko.
Naglagay ako ng shield sa paligid namin para walang ibang madamay. Ginawa ko na din itong invisible para wala na ding makakita sa amin.
Si Audrey naman ay umupo ulit sa may sanga ng puno at mukang tuwang tuwa sa maaaring mangyari. Sa palagay ko ay panonoodin nya lang kaming dalawa.
Biglang yumanig ang lupa at nahati sa dalawa yung lugar na inaapakan ko kaya wala na akong nagawa kundi ang lumipad gamit ang air element ko.
Isang earth elementalist si Throy kaya hindi ko maaasahan ang lupa sa ngayon.
Bigla namang gumalaw ang sanga ng puno sa tabi ko at parang nagkaroon ito ng sariling buhay. Iniwasan ko lang ito ng iniwasan.
Ano ba? Paano ko malalabanan si Throy? Hindi ko kayang saktan ang walang kamuwang muwang na punong ito.
Sa kaiiwas ko sa sanga ng puno ay hindi ko napansin ang isa pang sanga nito. Tinamaan ako sa likod at nawalan ako ng kontrol sa element ko. Nawalan ako ng balanse kaya dere deretso ako sa pagbagsak.
Pumikit na lang ako at hinintay na lumagapak sa lupa.
At sa pagbagsak ko sa lupa ay saka ko naramdaman ang sakit ng likod ko.
Aaahhhh.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."