Isaiah 54:10
Though the mountains be shaken and the hills be removed, yet my unfailing love for you will not be shaken nor my covenant of peace be removed," says the LORD, who has compassion on you.
*****
RYSHA POV
"Rysha, nabalitaan mo na ba?", yan agad ang bungad sa akin ni Lizeth nang makapasok ako sa classroom.
"Ang alin?", nagtatakang tanong ko.
Nung naglalakad kasi ako sa may hallway ay napansin ko na parang natataranta ang lahat ng estudyante. Pauli uli sila sa kung saan saan at hindi mo malaman kung anong gagawin. Nararamdaman ko din ang tension sa bawat isa.
"Inannounce lang kanina, maya maya na daw ang Second Ranking Test.", halos paiyak na sabi ni Zairah.
"What? Bakit biglaan ata?"
Kaya pala naman hindi mapakali ang mga estudyante dahil ngayon na pala ang Second Ranking Test.
"Surprise test daw kaya ngayon lang din sinabi. Anong gagawin natin? Ni hindi man lang tayo nakapaghanda para sa test."
"Teka nga Lizeth, maupo ka nga muna. Nahihilo na ako sa pabalik balik mo."
Sinunod naman ni Lizeth ang sinabi ko. Umupo sya sa tabi ko at humalumbaba. Bale napapagitnaan na ako nung dalawa. Yung iba naming kaklase ay mga natataranta na din. Kaya sobrang ingay dito sa loob ng classroom.
"Ano ba kasing klaseng test yan at tarantang taranta kayo?"
"Survival of the fittest.", mahinang sambit ni Zairah.
"Pero grupo ang magiging test kaya mahirap kung hindi man lang mapapaghandaan yun."
Kaya pala naman, pero sabagay mahirap nga ang magiging test lalo na kung on the spot mo makikilala ang mga kagrupo mo. Wala nang oras para magbriefing ng kanya kanyang kakayahan.
Sabay sabay kaming napatingin sa may pinto ng classroom nung biglang pumasok sina Brylle.
"Guys, nasa bulletin na daw ang magkakagrupo sa test."
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasía12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."