CHAPTER 7

8.2K 323 6
                                    

Philippians 4:13

I can do everything through him who gives me strength.




*****

RYSHA POV


"Ry, saan ka pupunta?"


Napalingon ako bigla kay Throy nang bigla nya akong tawagin. Kasasabi lang kasi nung nurse na maayos na ang lagay ni Lizeth kaya napagdesisyunan kong hanapin ang may hawak ng garnet gem ko. Aalis na lang sana ako nang hindi nagpapaalam kina Throy kaso napansin nya agad ako. At sinundan nya ako dito sa labas ng clinic.


"Hahanapin ko na yung may hawak ng unang gem ko. May hinala ako na estudyante dito ang may hawak nito."


Lumapit sa akin si Throy at hinawakan ang braso ko na ipinagtaka ko naman.


"May sugat ka. Tara sa loob para magamot din yan."


Hinila ako ni Throy pero hindi ako nagpadala. Binawi ko ang braso ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.


"Throy, nakita mo naman ang nangyari diba? Kailangan ko nang mabawi ang gem ko."


"Paano ka nakakasiguro na yun ngang may hawak ng gem mo ang may kagagawan sa nangyari kay Lizeth?"


"Throy, please. I need to do this."


Naglakad na ulit ako kaso hinawakan na naman nya ang braso ko kaya napatigil ako.


"Sasama ako sayo."


"What?! No. Masyadong delikado."


"Edi mas dapat ngang sumama ako sayo."


Napabuntong hininga na lang ako. Dapat ko pa ba syang barahin para hindi nya ipagpilitan ang gusto nya? Bakit ba kasi ang kulit nya?. Tss.


"Throy, wag ka nang makipagtalo."


"Pero Ry,"


"Throy, immortal ako kaya wala kang dapat ipag-alala. Baka kapag sumama ka pa sa akin, maging kargo pa kita."


Ngumisi sa akin si Throy na ikinakaba ko naman. Alam kong sa pagngisi nyang yun ay may binabalak sya. At hindi nga ako nagkamali, dahil ginamit nya ang earth element nya para makalikha ng isang maliit na butas sa lupang kinatatayuan ko. Nawalan ako ng balanse kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nasalo ako ni Throy.


"Mukang baligtad ang sinabi mo kanina dahil ikaw ang kargo ko ngayon."


Agad akong tumayo at lumayo kay Throy.


"Wag kang makulit. At wag mo akong susundan."


Iniwan ko na doon si Throy at nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na nya ako sinundan.


Nakakailang hakbang na ako nang bigla akong mapatigil. Naisip ko kasi, saan at paano ko hahanapin ang una kong gem?


Nilibot ko ang paningin ko. Maraming estudyante ang nakakalat sa kung saan saan. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang aura ng elementalist na may hawak ng gem ko. Kung ginagamit nya ang gem ko sa mga oras na ito, mararamdaman ko yun dahil sa aura ng gem ko.


Mga dalawang minuto na siguro akong nakapikit at pilit nakikiramdam kaso wala ang aura ng gem ko. Hindi ko ito maramdaman kaya minulat ko na ang mga mata ko. At saktong pagmulat ko ay sumalubong sa akin si Nerissa at binangga nya ako ng malakas. At dun pa talaga nya ako binangga sa kanang braso ko na may sugat.


"ooppsss, sorry"


Nakangisi nyang sabi sa akin at pagkatapos nun ay umalis na sya. Napahawak na lang ako sa braso ko at naramdaman kong umaagos na pala ang dugo ko mula sa sugat ko.


Anak, mag-iingat ka ha. Immortal ka pero kapag nasa elemental world ka, masusugatan ka at masasaktan. Kaya mag-ingat ka anak. Ang sugat nang isang psyche na galing sa elemental world ay matagal bago maghilom.


Naalala ko ang sinabing iyon ni Mommy. Napatingin ulit ako sa braso ko at patuloy pa din ang pag-agos ng dugo ko. Paano ko mapipigilan ang pagdurugo ng sugat kong ito?


"Akala ko ba immortal ka at wala akong dapat ipag-alala?"


Nagulat ako nang biglang magsalita si Throy. Lumapit sya sa akin at itinali sa braso ko ang hawak nyang panyo.


"T-throy"


"Kung ayaw mo sa clinic, dun tayo sa bahay. Lilinisin ko ang sugat mo."


Seryosong seryoso si Throy.


"Pero si Lizeth at yung gem ko."


"Okay na si Lizeth at saka nandun sina Brylle para alalayan sya. At tungkol naman sa gem mo, may bukas pa Ry."


"Pero..."


"Wala nang pero pero. Let's go."


Hinila ako ni Throy but in a gentleman way. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Tutal naman ay hindi ko na maramdaman ang aura ng gem ko, bukas ko na lang siguro ulit hahanapin ang gem ko.


Ang mahalaga ay maayos na ang lagay ni Lizeth. Sana nga lang ay hindi ito ang maging dahilan para madiscouraged sya na magpatuloy sa academy.


FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon