CHAPTER 74

4.7K 186 21
                                        

Psalm 42:11

Why are you downcast, O my soul? Why so disturbed within me? Put your hope in God, for I will yet praise him, my Savior and my God.




*****


RYSHA POV



"Tara na Ry.", sabi sa akin ni Throy.


"SIge, ayusin ko lang ang gamit ko."



Tapos na ang afternoon class namin at itong si Throy ay kanina pa ata gustong umuwi. Lumabas na sya ng training field kasama sina Brylle, Aaron at Michael. Bale kami na lang girls ang naiwan dito sa loob. Nag-aayos pa kasi kami ng gamit eh.



Nag-uusap usap lang sina Lizeth, Zairah at Jhudiel kaya hindi nila napansin ang paglapit sa akin ng isa naming kaklase. Hindi sya nagsalita pero may inilagay sya sa kamay ko. Tatanungin ko sana sya pero tumakbo na agad sya palayo sa akin. Tiningnan ko ang kamay ko at may isang papel na lukot na. Bubuklatin ko na sana yung papel pero napansin kong nakatingin na sa akin sina Lizeth kaya inilagay ko agad ito sa bulsa ko



"Okay ka na ba Rysha? Tara na?"


"Ah oo, tara."



Sabay sabay na kaming lumabas ng training field. Sina Throy naman ay nakaabang sa labas at parang inip na inip na.



"Ang tagal nyo.", reklamo ni Brylle.


"Bakit? Sinabi ba namin na intayin nyo kami?", pangbabara naman ni Lizeth.


"Kahit naman kasi hindi mo sabihin, maghihintay pa din ako.", seryosong sabi ni Brylle.



Natahimik bigla si Lizeth habang si Brylle naman ay namula. Napailing na lang ako at nag-umpisa nang maglakad. Pero nung nakadalawang hakbang ako ay tumigil ako at humarap sa kanila.



"Deretsuhin mo na kasi Brylle para hindi kayo naghihintayang dalawa.", nakangiti kong sabi sa kay Brylle.



At dahil sa sinabi kong iyon ay pareho na sila ni Lizeth na namumula habang yung iba naman ay napapatawa na lang.



"Throy, ihatid mo naman ako.", pag-iiba ng usapan ni Jhudiel.



Napatingin naman ako kay Throy na nakakunot na ang noo habang nakatingin kay Jhudiel.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon