CHAPTER 77

5.5K 201 62
                                    

1 Corinthians 1:25

25For the foolishness of God is wiser than human wisdom, and the weakness of God is stronger than human strength.





*****

RYSHA POV



Bigla akong naalimpungatan nung tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Nakatulog na pala ako dito sa damuhan. Hindi ko akalain na makakatulog pa ako sa kabila ng mga nangyayari. Marahil ay dahil na din sa pagod ang katawan at isipan ko.



"Kamusta ang pakiramdam mo?"



Napabangon ako bigla nung marinig ko ang boses ni Throy. Nakaupo pala sya sa tabi ko at nakatingin sa akin.



"Anong oras na?", tanong ko sa kanya.


"Alas syete pa lang. Dun mo na lang ipagpatuloy ang tulog mo sa bahay.", sagot nya.



Tumayo ako at huminga ng malalim.



"Pupuntahan ko si Nerissa.", deretso kong sabi sa kanya.


"Then sasama kami.", deretsong sabi din nya.


"Hindi Throy, laban ko ito at ayokong madamay pa kayo."


"Pagtatalunan na naman ba natin ito Rysha?", naiinis nyang tanong sa akin.


"Oo Throy, dahil hindi na ako papayag na mapahamak kayo."


"Rysha, hanggang kailan ka ba magiging selfish?"



Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi nyang yun. Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko. At sobrang naiinis ako to the point na gusto kong magpakawala ng element.



"SELFISH? HINDI AKO SELFISH THROY. DAHIL KUNG MAKASARILI AKO, EDI SANA BUMALIK NA LANG AKO SA MUNDO KO."



Napaupo na lang ulit ako sa damuhan. Yung mga kasama namin ay lumabas ng bahay dahil narinig ata nila ang pagsigaw ko. Hindi ko na din napigilan ang pag-iyak ko. Kainis, hindi ako ito eh. Hindi ako iyakin pero ito ako ngayon, umiiyak na naman.



"Lahat kayo pwede nyang magamit laban sa akin. Kayang kaya nya kayong kontrolin. At yun ang ayaw kong mangyari dahil kayo ang kahinaan ko Throy. Ikaw ang kahinaan ko."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon