Consult My Bestfriend

25.8K 309 128
                                    

DANILO'S POV

'RISE AND SHINE! WITWIW! WITWIW! WITWIW! WITWIW! ANG DAMI MONG MUTA GUWAPITO, GISING NA!!!'

Hanep ang tone ng alarm clock ko Biruin mo, nagising agad ako.

Inat....

Inat..

Inat...

Bangon.. lakad...

Harap sa salamin....

Haplosin ang mukha...

Ang sarap gumising sa umaga lalo na't walang nagbago sa aking mukha.

Clean and clear!

No pimples. No blemishes.

Iba na talaga ang isinilang na guwapo.

Kindat sa salamin!
(Wink.. )

Isa pa ngang kindat.
(Wink again!)

Hmmmm, I love my self!

Matapos kong kutingtingin ang napakakinis kong face, binuksan ko ang fridge sa kuwarto ko.

Kumuha ako ng purified water.
Kailangan kong lunorin ang panis kong läway.

Binuksan ko ang botelya, tinungga ko ang tubig,

Inom...

Lagok..

Inom...

Lagok...

Hanggang sa maubos ko ang 600 ml.

Ayan, nalunod na ang morning breath.

Magparamdam nga muna ako sa mga bebang ko bago ako maligo.

Log in sa facebook. Then nag-invisible agad ako. Mahirap na maraming nag-aabang.

"Sorry mango shake, chico shake, carrot shake, guyabano shake, melon shake, chesa shake, makopa shake, caimito shake and shake rattle and roll, wala me load. Di pa me nakasahod. Di pa nga me nakabayad ng tubig at kuryente. Chat tayo pag may natira sa kapiranggot kong suweldo sa katapusan. I love you."

'Yan ang message ko sa lahat ng bebang ko sa fb. Panigurado, uulan na naman ng load mamaya.

Log out agad.

Log in sa Yahoo messenger. Nag-invisible agad ako.

"Kumusta ka aking mahal. Sana ay nasa mabuti ka. Ako'y huwag mong intindihin. Nakakaraos din. Panaginip ko'y laging ikaw. Mahal, ako'y naghihigpit ng sinturon. Natanggal ako sa trabaho. Kaya pati load tinitipid ko. Ang lungkot lang, paano na lang ang noche buena. Magdildil ako ng asin. Pero okay lang basta masagana ang Christmas at new year mo."

Sinend ko lahat yan sa mga bebang ko sa YM. Then nag-log out ako.

Next, log in sa LINE. Then kubli agad.

"O giliw ko, mis na mis kita. Sana'y lagi kitang katawag. Pero nakakalungkot na balita. Nagpunta ako sa Recto kahapon para bumili ng second hand na dictionary, encyclopedia at almanac. Kailangan ko kasi yun sa mga project ko sa school. Nagtitipid na nga, nadukotan pa ako ng 3rd hand na cellphone. Kaya heto ako ngayon sa internet café. Di ko alam kung kailan na naman ako makakamessage. Taghirap giliw ko. Baka titigil na ako sa pag-aaral. Pero tandaan mo ito. Iniirog kita."

Sinend ko lahat iyan sa mga bebang ko sa Line. Lahat sila nasa abroad.

Ayan, nakapagparamdam na rin ako sa tagged, zoosk, cupid, cherry blossom, skype, viber, tango, twitter, instagram, watzapp, nimbuz, waplog at Imo.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon