Maldives Islands

7.1K 139 133
                                    

CHEQUI'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHEQUI'S POV

"Nagustuhan mo ba?"
Masuyong tanong ni Dan sa akin.

I was speechless. I wasn't the type of girl obsessively planning since childhood the perfect wedding followed by the perfect honeymoon.
But surprisingly, when it happened, parang lumulutang ako dahil sa halo-halong pakiramdam.

Yung feeling na parang nasa dreamland ako. Parang hindi kapani-paniwala na pagkatapos ng bonggang kasal, the next day, nasa mala-paraisong lugar na naman ako.

"Kung ayaw mo dito, babalik na tayo sa Hong Kong ora mismo."
May himig pagtatampong sabi ng asawa ko.

"I love the place! Na-love at first sight agad ako sa Maldives!"
I exclaimed happily. Sulit ang 6 hours and 25 minutes na flight namin from Hong Kong International Airport to Male, the capital.

"Ah ganun? Kaya pala hindi mo ako pinapansin. Mabuti pa ang Maldives mahal mo. Tang inang isla, lumubog na sana!"

"Eh di mamamatay tayong pareho kung ganun?"

"Hindi, Chequi. Lilipad tayo sa ere kapag lumubog ang isla. Obvious naman na may pakpak tayo, di ba?"

"Ano ba ang problema mo? Ang ganda ng araw pero ang sama ng aura mo, Dan?"

"Hmp! Buti pa ang Maldives mahal mo na agad."
Nakahalukipkip niyang sabi.

"Let's enjoy the day, Dan instead of sulking. Sana nandito rin si Mei. Mahilig kasi sa beach yon."

"Anak ng putakte naman, Chequi. Ako ang kasama mo pero ibang tao naman ang iniisip at bukambibig mo. Sana si Mei Ann Brillantes ang pinakasalan mo, hindi ako!"

"Sige pakakasalan ko si Mei sa Las Vegas kapag nag-divorce tayo."
Inis na sabi ko.

Sinisikap kong pakitungohan siya ng normal. Yong hindi na ako naiilag sa kanya pero ganito lang ang igaganti niya? Ang lakas ng saltik ng lalaking ito. Sabagay hindi na nakapagtataka. Ipinanganak kasi sa buwan ng February kaya kulang-kulang.

"Mula ngayon hindi na kita palalapitin kay Mei! Uuwi tayo ng Pilipinas matapos ang isang linggo nating bakasyon dito."

"Ano? Naku, Danilo! Pati kaibigan ko pinagseselosan mo? Hindi tomboy si Mei. Babae yon. Malanding babae at walang hilig kundi ....ay basta! Hindi ako sasama sayo sa Pilipinas!"

Naupo siya sa gilid ng kama. Kunot na kunot ang noo at halos magkadugtong na ang makakapal niyang kilay.

"Kaibigan ko si Mei, Dan. Karamay ko siya sa lahat ng bagay. She's my only trusted friend. Kaya huwag mong masamain ang closeness namin."

"Patunayan mo na kaibigan mo lang si boòbless. Higa tayo kitten."

"Ano?"

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon