0h My Bìrdy!

5.2K 133 137
                                    

DANILO'S POV

I felt uneasy, unbalanced, sketchy, and in general just bad.

I'm so distracted.
Sa halip na sa race nakatuon ang attention ko, hindi.

Nakaramdam ako ng matinding frustration. I miss her so much! At sobrang sama ng loob ko nang sabihin niyang hindi siya makakauwi. Yung sobrang excitement ko na makita, mayakap at mahalikan siya ay napalitan ng sobrang pagkainis nang sabihin niyang next week pa ang uwi niya.

Gusto kong magwala!
How come na hindi man lang niya maintindihan ang nararamdaman ko?
Bakit ako? Siya ang priority ko! Siya na lang lagi ang iniisip ko!

Mas lalo akong nagngitngit
tuwing nadadaanan ko ang area kung saan naroroon ang mga asawa ng mga ka-karera ko.

Napapadako ang tingin ko sa kanila at nakaramdam ako ng sobrang inggit kina Danreb, Labrador at iba kong ka-karera na may asawa.

How I wish, nandito rin si Chequi!

Sa halip na bilisan ko ang speed ng dirty bike ko, mas lalo kong pinabagal hanggang sa matapos ang last lap.

Now that the race is over, what to do?
Uuwi sa magarang bahay ko at mag-isa na naman?

I hate to be alone!
That thought hit the rebellious side of me.

Umalpas at nagatongan pa lalo ang galit at tampo ko kay Chequi.

All I want to do is to ride my dirty bike fast and furiously around the race track!

Pinasibad ko ang motor.

Wala akong pakialam kung maituturing na suicide ang gagawin ko.
After all, wala namang pakialam ang asawa ko sa akin.

Mas lalo kong pinaharurot ang dirty bike upang kumuha ng buwelo para makatalon sa ere ang motor at habang nasa ere ako sakay ang motorcycle ay panandaliang binitawan ko ang manibela at tumuntong sa likurang bahagi ng motor.

Ewan kung anong espirito ang sumanib sa akin at the moment.
Wala akong kinatatakutan maski ang kamatayan.

Mabilis at mahusay na nakalanding ako sa lupa at muli ay mabilis na pinasibad ang motor papunta naman sa isa pang mala bundok na humps.

Nakatayo ako habang pinapasibad ang motor.

Habang nasa ere ay nagawa kong paikotin pataas ang motor at sandaling binitawan.

I've done this countless of times before. And I'm glad I'm still good at it.

Sa taas ng tinalon ng motor ko ay nagawa ko itong habulin at matagumpay na nasakyan uli.

But then suddenly, nag-flash sa isip ko ang napakatamlay at walang kagana-ganang mukha ni Chequi the last time na mag-skype kami.

I was hurt. Sobrang nagdaramdam ako nang maalala ko ang mukha niyang hindi man lang nababanaagan ng pagkasabik sa akin.

She didn't even bother to ask if I was fine.

Masyadong natuon ang atensyon ko sa pag-iisip sa kanya.
Why the sudden change?

Nawala ang focus ko.
Nang bumalik ang aking diwa, I know what will happen.

I'm going to crash!

"Chequi...."
I murmured before my body hit the ground.

Napaigik ako sa sakit nang bumagsak ang katawan ko sa lupa.

I felt my head and face crashed against my helmet and googles.
Nakaramdam din ako ng matinding kirot sa lower extremities ko lalo na ang tuhod.
Pataob ang pagbagsak ko sa ground.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon