PANIC ATTACK

4.8K 132 91
                                    

MEI'S POV

Nakaramdam ako ng awa habang pinagmamasdan si Chequi na natutulog.

Gusto ko mang umidlip pero napapabalikwas ako ng bangon tuwing nagsisigaw si Chequi at umiiyak.

Apat na araw na kami dito sa hotel. Ayukong bumalik kami sa Manila na ganito ang kaibigan ko.

"T-tama! Tama na! M-masakit! Tumigil ka na p-please! A-ayuko na!"
Naiiyak kong nilapitan ang kaibigan ko. Binabangungot na naman.

"Chequi...Chequi! You're dreaming!"
Tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

"M-mei!"
Nagmulat siya ng mata.

"Nananaginip ka na naman."
Pinainom ko siya ng tubig.

"B-bumabalik na naman Mei. I thought naka-recover na ako nang tuloyan. P-pero hindi. P-parang fresh na naman ang nangyari noon. B-bakit? Bakit siya pa?"
Nagsimula na naman siyang umiyak.

"I'm sorry kung pinilit kitang katagpuin ang lalaking yun. The missing piece of your closure involved that person who had caused you pain. Naisip ko kasi na mas maiging malaman mo ang katauhan ng rapist para tuluyan ka nang makawala sa nakaraan. I know masasaktan ka. Mabubuhay na naman ang takot sayo pero hindi maglalaon, magiging maayos din ang lahat. Believe it or not, you will move forward and be okay again. Nagawa mo na yan dati. I-relax mo ang isip mo and get some sleep."
Pumikit siya. Pikit-dilat at pabaling-baling ng higa. Nakahinga lang ako nang maluwag nang mahimbing na ang tulog niya.

She is resilient, strong, courageous, powerful, brave, and a fighter. I know she will get through this.

I sighed. Parang kailan lang ang lahat.

Flashback...

September 12, 2012.

"Oy Chequi. Tama na yan. Huwag mo ngang iyakan ang taong hindi mo pa nakikita. Puro lokohan lang sa chat. Hindi ka makakahanap ng totoong tao diyan."

She glared at me.

"Galit ka? Hindi ko naman sinasadya yun girl. Pasalamat ka nga. Dahil sa ginawa ko, nalaman mong hindi ka talaga gusto ng lalaking yun. Naghahanap lang ang Lau Long na yun ng mapaglalaruan. At sa kasamaang palad, isa ka doon."

"Enough!"
She shouted.

Dahil siguro sa pagmamadali niyang umalis, sa halip na yung pouch niya ang nadampot niya ay yong black leather wallet ko ang nakuha niya.

"Chequi! Hoy, Chequi, hintay!"

Hindi niya na pinansin ang paulit-ulit kong pagtawag sa kanya.

Masama nga ang loob ni Chequi sa akin.

Hinayaan ko na lang muna na makapagpalamig. Panigurado babalik din yun.

Hindi ko ni-lock ang pinto ng suite namin.

Nahiga ako sa kama at dala siguro ng matinding pagod, nakaidlip agad ako.

******

N

agising ako dahil sa iyak. Akala ko nananaginip lang ako pero papalakas ng papalakas ang iyak ng babae.

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Chequi na nakatayo sa likod ng pintuan.

"My God! Chequi! Anong nangyari sayo?!"

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon