Broken

4.5K 134 80
                                    

DANILO'S POV

I have never in my life felt as shitty and depressed after knowing the real identity of my Victim.

Matapos mangyari ang panggagahasa ko, hindi na ako natahimik. Parang bangungot na paulit-ulit na umukilkil sa isip ko ang buong pangyayaring yun.

Every time I think about it, I felt terrible.

It took a very long time for me to get over her.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Nagdonate ako ng malaking halaga sa mga ahensiyang tumutulong sa mga babaeng naabuso.

I dated another girl immediately after few months, hoping na makakalimutan ko ang nagawa kong krimen pero nabigo ako. Ginugulo pa rin ako ng konsensya ko.

Then, I met someone who really helped me get past her. Hindi niya lang ako tinulongang makalimot. Sa kanya ko naramdaman kung paano maging masaya sa mga simpleng bagay.

Each day na magkasama kami sa iisang bubong, naramdaman ko na nagiging kumpleto hindi lang bawat oras at araw na dumaan sa buhay ko. Kundi nagiging kumpleto ang pagkatao ko.

Inaamin ko, humanga ako sa kagandahang taglay nina Crystal at Feliza. Lihim ko silang pinagnasáan pero hindi ko naramdaman sa kanila ang naramdaman ko kay Chequi.

I love her. So much! Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan. Pero paano ko pa ma-fulfill ang pangakong iyon kung sa simula palang sinira ko na ang buhay niya.

Nasasaktan ako kasi diring-diri siya sa akin. Sobra-sobra ang pagkasuklam niya sa akin.

Walang kapantay ang sakit na naramdaman ko habang nakikita siyang umiiyak, nanginginig sa takot and worst, sinabihan akong demonyo.

Naiyak ako sa sakit hindi dahil sa wala naman talaga akong buntot at sungay.
Pero dahil nabanaag ko sa mga mata niya na parang wala na akong lugar pa sa puso niya.

Paano na ang kasal namin? Paano na ako?

Parang wala ako sa sarili na pinuntahan ang hotel na tinuloyan nila.

Tutungo sana ako sa lobby nang makita ko si Mei. Nahihiya man, nilapitan ko ito.

"Ang kapal ng mukha mo! Nagpakita ka pa talaga, animal ka!"

"Mei, please. Gusto ko siyang makausap. Kahit saglit lang. Please."
Sunod-sunod na umiling ito.

"For the last time. Please."
Matalim niya akong tinitigan bago pumayag.

Naiiyak at kabadong-kabado ako habang nakasunod ako kay Mei.

"Kung ayaw ka niyang harapin, lumabas ka agad. Huwag mo siyang piliting kausapin ka kung hindi pa siya handa."

Binuksan niya ang pintuan ng suite nila. Hindi muna ako pumasok.

Mula sa kinatatayuan ko nakita ko si Chequi na nakaupo sa kama. Tulala.

Sumikip ang dibdib ko. Nasasaktan siya pero doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon kasi ako ang dahilan ng kanyang pagdurusa.

"Chequi. Nandito si Danilo."
Rinig kong sabi ni Mei. Ngunit hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Iiwan ko muna kayo friend."
Napabuntong-hininga si Mei. Bago umalis, binigyan muna ako nito ng nagbabantang tingin.

Isinara ko ang pinto nang makalabas ito.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kama.

"D-diyan ka lang! Huwag na huwag kang l-lalapit!"
Namanhid ang mga binti ko dahil sa tinuran niya.

"I'm so sorry, kitten. Hindi ko sisasadya. N-nakainom ako ng alak ng gabing iyon at may
halo--"

"Stoooop! Stop! A-ayuko na!"
Tinakpan niya ang dalawa niyang tainga.

Gusto kong saktan ang sarili ko nang magsimula siyang umiyak.

"Buong puso kong pinagsisisihan ang nagawa kong yun...k-kahit ano gagawin ko maiparamdam ko lang na...na mahal kita at hindi ko intention na saktan ka."

Tumulo ang luha ko.

Tinakpan niya ng kamay ang kanyang mukha at nagsimulang humagulgol ng malakas.

Sobrang nakakapanghina pala kapag nakikita ko ang babaeng mahal ko na hirap na hirap.

"C-cancel the wedding!"
Tila nayanig ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

"No. I won't do that. Mahal kita."

"Leave! I hate you! Hindi ako magpapakasal sayo, rapist!"

"I know. Alam ko na nasusuklam ka sa akin. Alam ko na hindi ka na sisipot sa kasal natin. Pero itutuloy ko pa rin Kitten. Ipapahiya ko ang sarili ko. Handa akong magmukhang tanga, katawa-tawa at kahiya-hiya sa harap ng maraming tao."

Tinanggal niya ang mga kamay niyang nakatakip sa luhaan niyang mukha at nag-angat siya ng mukha. Akala ko magsasalita siya. Bubulyawan ako. Pero hindi. Hinugot niya ang suot niyang engagement ring at ibinato sa mukha ko.

Sapol ang tungki ng ilong ko. Masakit. Nasaktan ako sa ginawa niya. Masakit tanggapin ang katotohanan na bumitaw na siya.

Ang saklap! Ang tindi ng hagupit ng kapalaran. Ito na nga ang sinasabi nilang stroke of bad luck!

AT HONGKONG SAR....

February 14, 2016

CRYSTAL'S POV

"Huwag na tayong dumalo sa kasal, sweetheart. Hayaan na lang natin si Danilo na magpakatanga sa simbahan."

"Tama ka, pare. Sobrang tanga. Alam na ngang hindi dadalo ang bride itinuloy pa talaga."

Inirapan ko si Manjoe. Talagang sumesegunda lagi sa asawa ko. Mag-bestfriend nga.

"Para saan pa na nagpunta tayo dito sa Hong Kong kung hindi tayo dadalo sa kasal?"
Inis kong sabi.

"Mamamasyal siyempre at gagawa tayo ng back-to-back homerun once na nakatulog ang mga anak natin."
-Danreb

"Mink. Gusto ko rin. Di pa natin naranasang magjèrjer sa loob ng cable car."
-Manjoe

"Magjèrjer kang mag-isa mo! Kung ayaw niyong dumalo sa kasal ni Danilo, kami na lang ni Crystal."

"Mabuti pa nga, Fel. Sila ang
magbaby-sitting."

"Sweetheart, no! Madadamay pa si Kristoff Floyd sa kahihiyan. First time mag-ring-bearer ang anak natin pero sa palyadong kasal pa Danilo? Hindi ko hahayaan na gagawin niyang props ng kabobohan niya ang anak natin."
-Danreb

"Hindi naman namin kayo pinipilit. Kung ayaw niyong sumama di huwag! Mabuti nga dahil wala kaming guwardiya ni Fel. Ang sexy pa naman ng gown na isusuot namin. Masaya ito. Hindi kami bantay-sarado."

Gusto kong tumawa nang mag-ala-monster ang aura nina Danreb at Manjoe. Mga seloso talaga.

"Sasama ako, Mink. Tara na tutulongan na kitang magbihis.
Ako ang magsusuot sayo ng bra at panties, pati stockings, gown, stilettos at accesories mo."

"Magtigil ka nga, Ugok. If I know pupuslit ka lang ng jèrjer."

"Eh sa malamig, Fel. Winter pa rin naman at Valentine's Day. Spread your lègs for me."

Napailing ako nang akbayan ni Manjoe si Feliza. Panigurado magkukulong na sila sa suite nila.

"Let's do the same thing, sweetheart. Spread your lègs for me. It's Valentine's Day."

Hindi na ako nakaangal pa nang hilain ako ng asawa ko papasok sa suite namin. Maaga pa naman. May oras pa para pagbigyan ang asawa ko.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon