Deprecation

7.4K 141 74
                                    

CHEQUI'S POV

"Why don't you live under the same roof with me?"
Maang akong napatitig sa mukha ni Danilo. Awang ang mga bîbig ko.

"A-ano?"
Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Sabi ko, mag-live-in tayo."

Hindi ako sumagot.
Honestly, hindi ko alam ang sasabihin ko.

May isang bahagi ng pagkatao ko ang nadismaya at sabihin nang nasaktan.

Siguro dahil hindi iyon ang inaasahan kong ialok niya.

Ilang buwan pa lang kaming magkapitbahay, we're not even that close. Mas nagkakasundo pa nga sila ni Mei.
Pero parang buhawi sa bilis ang mga pangyayari.

Ewan, ang gulo!

Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Bakit ganun na lang kadali na bumigay ako?
Oo nga't masarap ang ipinaranas niya sa akin.
Isang karanasang hindi ko makakalimutan.
Pero bakit ang bilis naman?
Pagkatapos ng nangyari, alukin na akong mag-live-in kami?

"Ano kitten? I'm serious.
Mag-live-in na tayo. Promise, gloria ang bawat araw mo sa piling ko."
Nakangising sabi niya.

"Live-in?"
Pang-uulit ko.

"Yes, Chequi. Cohabitation is the best for us. I am séxually atttacted to you, at ganun ka rin sa akin. So bakit hindi pa tayo magsama sa iisang bubong? That's the best thing I can offer since marriage isn't my thing."

Nakita ko kung paano nalukot ang mukha niya nang banggitin niya ang salitang marriage.

"Bakit? Bakit parang nasusuka ka sa pagbanggit sa kasal?"

"Hindi naman yun importante. Gastos lang. Tapos maghihiwalay din sa bandang huli. I assure you, we will be happy like a bóuncing kitten even without getting married. I absolutely do not understand why anyone would still, in this day and age, feel the need to actually have to be married.
Is it just because of religion? Family pressure? Is it the thrill? The romance of having a ceremony? Kung yan ang dahilan, anak ng tinapa lang, gagastos ng milyones para lang sa isang araw? Isang napakalaking kabaliwan!"

Mataman lang akong nakatitig sa kanya.
May lahing Chinese nga. Napakahalaga sa kanya ang pera. Siya yung tipong mahirap dumukot sa bulsa ng kahit barya lang. Napakakuripot.

Hindi yung katulad niya ang pinangarap kong makakasama sa buhay. Ayuko sa lalaking sinasanto ang pera.

Siguro tama siya. I am also attracted to him séxually.
But cohabitation is not my thing. Never ko yung gagawin.
Unless it's a matter of life and death.

Hinanap ko ang mga damit ko.

Nasa sala pala.

Hindi na ako nag-abala pang takpan ang hûbad kong katawan.

Bumaba ako sa kama at lumabas ako sa bedroom niya.

Isa-isa kong pinulot ang nagkalat kong damit sa living room at mabilisan kong isinuot.

"I want to hear your side. Ano ang masasabi mo sa offer ko?"

Sunod-sunod akong umiling.

"So that means NO?"

"Sa iba mo na lang ialok yan, Danilo."
Pinal kong sabi at tinungo ang pinto.

Baka umuwi na si Mei at nagtataka na siguro kung bakit wala pa ako sa flat namin.

"Tama nga yata ang tsismis. May relasyon kayo ni Mei. Sino ang tomboy sa inyo? Ikaw o siya? Hmmm, teka huhulaan ko. Ikaw siguro. Kasi hindi ka marunong humalik."

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon