The Victim

9.8K 181 85
                                    

BRANDON'S POV

Mga abnormal!

Parang gusto kong iluwa ang tocino na nginunguya ko. Paano parang nasa mess hall lang ako ng mental institution.

Itong Danilo kasi ibinuhos ang kape sa sinangag na nasa plato nito. Inihalo-halo tapos sunod-sunod ang subo.
Kadiri talaga.

Itong si Henry naman, nagkakamay na kumakain. Dîmwit! Nagkakamay kasi ginawang parang bilo-bilo ang kanin. At tinipon sa plato saka isinawsaw sa tuyo ang mga pinabilog na kanin at isinubo.
Ano ang problema ng isang ito?

Napatingin ako sa gawi ni Labrador. Panay ang dîla nito sa kutsara habang nakatingin kay Feliza na parang mapupunding ilaw ang mga mata dahil kurap ng kurap.
Sunod-sunod akong napailing.

Huling dumapo ang mga mata ko sa kabisera kung saan nakaupo si Danreb.
Dîmwit talaga! Parang gagamba na gumagapang ang mga daliri nito sa braso ni Crystal na nakahawak ng tinidor. Magkatabi kasi sila.
At itong si Crystal naman, nanîgas na yata ang braso kasi ni hindi maisubo-subo ang hótdog na nakatusôk sa tinidor nito.

Wala na! Puro may tililing na yata ang mga ito!

Tinignan ko ulit si Danilo.
Ang linis na ng plato nito.
Pero nakatunganga lang sa pinggan.
Baka binabalak kainin pati plato.
Ang gagó kong kaibigan. Mukhang walang tulog. Medyo mapula kasi ang mga mata.
Nakakapanibago lang.
Ang tahimik nito ngayon.
Nakakakaba.

Nawalan na ako ng gana.
Tumayo ako at kinalabit ko si Danilo.

"Tayo ka na diyan. Balak mo pa yatang lamunin ang plato."
Tinignan lang ako ng gagó.

Maiwan na nga lang sila.
Baka mahawaan pa ako sa tililing nila.

In-off ko agad ang phone ko nang biglang magring at makita kung sino ang tumatawag.
Trodis na naman!
Kelan kaya ako titigilan ng bansót na babaeng yun?
Dîmwit!
My morning is totally devastated!

DANILO'S POV

Lampas hating-gabi na nang makabalik ako sa villa ni Danreb.

Ni hindi ko makuha-kuha ang tulog ko kahit anong pilit ko.

Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang ginawa kong yun.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakagawa ako ng krimen.

I am going to cross my fingers for now.
Maybe find the best lawyers in the country so I have their numbers ready.

I wonder how it will be.
I might not need them right now but I might need them if not soon, sometime in the future.
I'll just keep their numbers just in case.

Siguro nakareport na sa pulisya ang babaeng yun. Kung sino man yun.

Malakas ang pakiwari ko na hindi ako nakilala ng babae. Ni hindi nito mai-describe ang hitsura ko dahil nakapiring ang mga mata nito noon.
Ako nga, ni hindi ko maalala ang mukha nito.

The place was dark. Naaninag ko ang hitsura nito sa elevator but it was blurry.
Siguro dahil sa nakainom ako ng alak sa oras na iyon.

Sa totoo lang, I feel horrible.
I feel like I have to pay for it and admit my mistakes.

But I don't wanna go to jail!
I know it was all my fault.
Hindi biro ang nagawa ko.
Isang napakalaking kasalanan yun sa batas ng Dios at batas ng tao.
But I'm afraid that my reputation gets ruined.

I'm confused.

I'm scared.

I feel so guilty.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon