Forevermore

8.1K 153 196
                                    

CHEQUI'S POV

Napangiti ako nang makasakay ako sa taxi. Panigurado, masusorpresa si Dan. Sa Friday pa kasi ang inaasahan niyang pag-uwi ko sa Pilipinas.

Naunang bumalik sa bansa ang asawa ko. Tinawagan kasi siya ni Henry Acosta dahil nasa Manila daw ang dalawang Singaporean na client nila.

Ayaw sana ni Dan. Gusto niya kasing sabay kaming umuwi pero sinabi ko na hihintayin ko muna si Mommy na makabalik mula sa Main land China.

Nag-aalburuto nga noong una ang asawa ko. Ayaw daw niyang malayo sa akin lalo na at buntis ako. Pero nangako ako na kapag nakauwi ako, pai-iskorin ko siya. Kaya yun, napapayag ko rin.

Bago siya umalis, pinakabit muna niya sa akin ang còck cage niya. Tumanggi ako. Hindi naman kasi kailangan. Nasa kanya  naman kasi kung magpapatukso na naman siya sa ibang babae. Pero sadyang mapilit si Dan.
Kung hindi ko raw ikukulong ang pagkalalakì niya, hindi raw siya uuwi mag-isa. Kaya yun, napasunod niya ako.

Naalala ko pa nga kung paano ako pinagpawisan ng malapot habang isinusuot ko ang device. Paano kasi, napapaungol si Dan habang hawak-hawak ko ang sandâta niya na lumalakì at tumitìgas sa palad ko.

Nahirapan nga akong pagkasyahin  yun sa còck cage eh. Ang haba kasi at ang taba. Kaya hinintay ko munang lumambot.

Alam kung malaking torture yun sa kanya pero pinagbigyan ko na lang.
Sabagay, mabuti na rin yun. Hawak ko ang susi ng kaligayahan ng asawa ko.

Nahaplos ko ang tiyan ko. 5 months na akong buntis. Ilang buwan na ring diyeta ang asawa ko. Di bale, wawakasan ko na ang tag-tuyòt niya.

Ni-lecturan kasi ako ni Mommy nang bumalik ito sa Hong Kong. Nakakabuti daw ang séx para sa buntis. Kaya huwag daw naming ipagkait sa sarili namin ang sexèrcise hangga't puwede pa.

Lumawak ang pagkakangiti ko nang maalala ko ang mukha ni Dan matapos naming malaman na babae ang gender ng magiging anak namin.

Naluha ang asawa ko noon at paulit-ulit niyang hinalikan ang tiyan ko.
Walang kapantay ang saya ko that time magpa-hanggang ngayon.

Napatingin ako sa relo ko sa bisig.
3:00 pm. Nasa office pa ang asawa ko sa oras na ito. 6:00 pm kasi umuuwi.
Alam ko kasi kusa siyang  nagre-report sa akin sa Skype. Iniisa-isa niya ang schedule niya sa bawat araw. Nakakakilig nga eh. Talagang ginagawa na niya akong kumander niya.

Mabuti naman at mauuna akong makauwi sa bahay niya. Mali pala. Bahay daw namin. Maghahanda kasi ako. Magpapaganda ako ng todo at isusuot ko ang sèxy na damit na binili ni Mommy.

Kahit buntis ako, maglalakas-loob akong ibalandra ang katawan ko kay Dan. Iniisip ko pa lang ang gagawin ko,  ninenerbiyus na ako.

DANILO'S POV

Inis akong bumaba sa sasakyan ko. Asar na Labrador na yan!
Sinisikap kong magpaka-busy sa trabaho para makalimutan ko ang pagkabagot at sobrang pagkamis ko kay Chequi pero tumawag ba naman.

Hinihintay na daw ako sa loob ng bahay ko. Ang galing ng aso na yan.
Nang makarating sa mansion ko, saka pa lang itatawag!

"Nasa study room na ang kaibigan mo, Danilo. Dinalhan ko na ng merienda doon."
Bungad ni Nanay Luz sa akin.

"Sana buto o kaya'y dog food ang ibinigay niyo sa kanya Nay Luz."

"Huwag ka nga. Kaibigan mo yun. Sige puntahan mo na. Dalawang oras na siyang naghihintay sayo."

Nagngingitngit kong tinungo ang  study room ko. Sa pagkakaalala ko, wala akong utang kay Labrador kaya nakapagtataka lang na naligaw ang hayop.

"Akin na ang 11.5 million."
Salubong nito sa akin pagkabukas ko sa pinto.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon