First Stroke of Bad Luck

5.3K 130 99
                                    

DANILO'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DANILO'S POV

"Mei Ann Brillantes. Yan ang buo kong pangalan Danilo!"

Mei Ann Brillantes?

Binalot ako ng matinding pangamba nang may maalala ako.

Mei Ann Brillantes. Paano ko makakalimutan ang pangalan na yun?
Ang babaeng gïnahasa ko more than 3 years ago!

"Hindi ikaw si Mei Ann Brillantes. Ibang babae yun."
Mahina kong sabi.

Kung kani-kanila lang, napakatinding kalibogan ang naghahari sa aking katawan, ngayon, hindi ko alam kung natatakot, nagi-guilty, nahihiya o naiinis ako dahil sa pagkarinig sa pangalan na yun.

Sabagay, ang daming magkakapangalan dito sa mundo. Siguro nga kapangalan lang ni Mei ang biktima ko noon.

"Ayaw mong maniwala?"
Tila nanghahamon na sabi nito. Umiling-iling ako.

Nakita kong kinalkal ni Mei ang loob ng bag nito.

"Shutangina! Wala akong nadalang ID!"

Bumaling ito kay kitten ko.

"Chequi, nasaan nga pala yung membership card ko sa casino? Nakalimutan kung kunin sayo."

"Nandito sa wallet ko, Mei."

Kinuha ni kitten ko ang wallet niya. May dinukot siyang card at iniabot kay Mei.

"Ayan Danilo! Nandiyan ang pangalan ko. Mei Ann Brillantes . Titigan mong mabuti ang membership card ko sa Waldo!"

Inilapag niya sa table ko ang card.

Natameme ako nang makita ko ang buong pangalan niya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa hawak kong card.
Nagkataon lang na kapangalan niya ang babaeng yun.
Hindi puwedeng siya yun!

"Akin na nga yan! Baka mawala ulit! Pahirapan pa naman ang pagpila. Kung hindi ko lang nawala ang apat na cards ko almost 4 years ago, di sana ang dami ko nang collection ngayon!"

Almost 4 years ago?
Mas lalo akong kinabahan.

"S-saan mo nawala ang cards mo Mei?"
I asked her nervously.

"Sa Sta.Praxedes, Danilo! Hindi lang yun ang nawala kundi ang pinakamamahal kong black leather wallet at pera! Sayang ang pataca, US dollar at Hong Kong dollars na laman nun. Di bale na yung peso."

Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa sinabi nito.
Si Mei nga yata ang naging biktima ko!

Nagbaba ako ng tingin.
Nako-konsensya ako. Matalik na kaibigan ng babaeng pakakasalan ko ang na-rape ko noon!

"M-Mei. Tama na....n-nakalipas na yun...."

Napatingin ako kay Chequi. Parang namumutla at mukhang balisa.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon