DANILO'S POV
Hindi ko alintana ang pagdurugo ng magkabilang kamao ko dahil sa kakasuntok sa pader. Hindi ko lubos akalain na nasaktan ko ng sobra ang asawa ko. Bawat salita na isinulat niya sa pader ay katumbas ng punyal na tumatarak sa dibdib ko.
Ang sama ko! Ang sama-sama kong asawa! Nagawa kong pagtaksilan si Chequi. At muntik ko na siyang iwan para kay Yvanka.
Umiyak at humagulgol ako ng malakas. Alam kong hindi maririnig ng asawa ko ang paulit-ulit kong pag-usal ng 'sorry'.
Iniwan na ako ni Chequi! Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik ang tiwala niya sa akin.Gago ako! Ang laki kong gago!
Mas pinairal ko ang galit, pagtatampo at madali akong nagpatukso kay Yvanka.Napaluhod ako sa sahig. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang mamataan ko ang karton na nakalatag sa floor.
"My back hurts. Ang tigas ng hinigaan ko."
Yan ang isa sa nakasulat sa puting wall. Sobrang nakonsensya ako.
Ang laki-laki at ang lambot-lambot ng hinihigaan kong king-size bed tuwing gabi samantalang sa sahig lang pala natutulog si Chequi? Binayo ko ang dibdib ko. Sising-sisi ako sa ginawa ko.
Triple ang balik sa akin ng kirot na idinulot ko sa asawa ko.Hindi ko siya pinakinggan nang tangkain niya akong kausapin ng maraming beses. Wala akong pakialam kahit naiiyak at nasasaktan siya tuwing sinisigawan, iniinsulto at ipinagtataboyan ko siya.
I treated her like a rubbish. Ni hindi ko man lang siya na-welcome sa bahay ko. Sa bahay naming dalawa.
Ang sakit lang isipin na binigyan ko ng party si Yvanka samantalang siya, ni hindi ko man lang nabilhan ng pagkain na gusto niya.
She's pregnant! Sa halip na nakaalalay, inaasikaso at mas ipinaparamdam ko sana kung gaano ko siya kamahal, hindi!
Puro luha at sama ng loob ang iginawad ko.Humiga ako sa karton habang inaalala ko ang paghihirap ng asawa ko habang nakatira siya sa bahay ko ng dalawang linggo.
Matigas ang karton! Masakit sa likod!
Paano niya natiis na matulog sa ganito?Shìt lang! Pati ang pag-akyat-baba sa hagdan!
Ang baby!
God, sana okay lang sila!CHEQUI'S POV
Inihatid ako ni Mei hanggang sa bagong bahay ni Mommy dito sa Aberdeen.
"Uwi muna ako sa flat ko, Chequi. Bibisita na lang ako dito bukas. Magsisimba tayo."
"Thank you, Mei."
Sabi ko at niyakap ang kaibigan ko.
Sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay ko, lagi lang siyang nandiyan."Hindi na kita sisitain kung mukha ka pa ring nagluluksa. Di bale, Huwebes Santo naman. At bukas ay Mahal na Araw. Huwag mo lang sobrahan kasi baka magmumukhang ampalaya ang isisilang mo. Kulubot na agad ang balat pagkasilay nito sa mundong ibabaw."
Tumango-tango ako. Alam kong pinapagaan lang ni Mei ang loob ko.
BINABASA MO ANG
STROKE OF LUCK (Completed)
RomanceNagising ako na masakit ang buo kong katawan. I stood dazed and confused. What had just happened, I thought I was dreaming. I prayed I was dreaming. Suddenly I felt a bit damp on my womanhoód. It was real! I burst into tears nang maalala ko ang nang...