Race

4.6K 120 160
                                    

DANILO'S POV

Ilang beses akong napapatingin sa phone ko. Tang ina! Ni walang reply si Chequi kahit isa!

Ano ba ang pinaggagawa niya at hindi man lang ako maalalang i-text. Atat na akong makita at mayakap ang asawa ko. Ngayon dapat ang uwi niya ng Pilipinas.
I miss her so much and I am so affected by her absence. Aside from that, I've also been struck by how little she's attempted to contact me. I know she has reliable Internet service, kaya nga sobrang nagtatampo na ako na hindi man lang ako ma-message. At last time na nagkausap kami sa skype, ang tamlay-tamlay niya. Hindi ko man lang maramdaman na na-mis niya ako!

This morning, I sent her an important e-mail that she hadn't replied to, so I opened up her e-mail account to see if she had read it. She gave me her password before but no permission to check her e-mail.
Nakita ko ang palitan nila ng email nina Crystal at Feliza samantalang ako ni hindi man lang naalala!

I can't sleep at night because I miss her so much and now I cannot concentrate on my work.
Kung ano-anu na ang pumapasok sa isip ko.

Baka hindi niya talaga ako mahal!

"Masama ang timpla. Sige gambalahin natin para masaya."

Mas lalong domuble ang inis ko nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at bumulaga ang nang-iinis na mukha nina Danreb at Labrador kasama nila si Henry.

Kahit Sunday ngayon nasa office ako dahil mas lalong mababaliw lang ako sa bahay sa kakaisip kay Chequi.

"Namumulubi ka na yata kaya pati araw ng pahinga nagtatrabaho ka."

Sa halip na sagutin ko ang pang-aasar ni Danreb, tinawagan ko ulit si Chequi.

Bahagyang nakaramdam ako ng tuwa nang mag-ring sa kabilang linya. Sa wakas makakausap ko na!

"Nasaan ka?!"
Agad na bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko. Dapat lang na maramdaman niyang nagtatampo na ako.

3 weeks pa lang kaming kasal tapos magkalayo na agad. Mabuti pa noong magka-live-in pa lang kami. Halos kapit-tuko kami sa isa't isa.

"N-nasa Thomson Road, Dan. Papunta kami sa Novena Church."

Domuble ang inis ko dahil sa sinabi niya. Nandito ako na naghihintay sa pag-uwi niya tapos gumagala lang pala sa Singapore!

"Tang-ina naman, Chequi! Akala ko nasa Changi Airport ka na! Sabi mo, 2 weeks ka lang diyan sa Singapore! Umaasa ako na uuwi ka sa Pilipinas ngayong araw! Yon pala hindi!"

"D-Dan. Sa makalawa pa magbubukas ang isa naming store sa China Town. Kaya baka next week pa ako makauwi!"

"Tang ina mo! Wala kang kuwentang kausap! Wala kang isang sali----"

Shìt! Pinatayan niya ako ng phone!
Bumangon lalo ang matinding inis ko at gigil na ibinato ko ang phone ko sa pader.

"Whoa! Nagiging monster ka na rin. Baka nakahanap na ng iba ang asawa mo kaya hindi ka na uuwian."
-Labrador.

Dinampot ko ang puncher sa table ko at ibinato sa hayop na Labrador pero nagawa nitong ilagan.

"Tama na yan."
Awat ni Henry.

"Sa halip na magpaburo ka dito sa office mo, sumama ka na lang sa Cavite. Nagyaya ng motocross ang Kuya ni Luwalhati. Kababalik lang niya mula Hungary."
Sabi ni Danreb.

Motocross? Mula 10 years old kami nina Danreb, Licos , Patrick Escalante at Marshall Paredes na asawa ni Caridel, 'yan na ang nakahumalingan naming sport. Lingid yan sa kaalaman ng mga magulang namin.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon