This Is What I Got

6.7K 159 153
                                    

CHEQUI'S POV

Hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang video na sinend sa akin ni Manjoe Labrador kagabi.

Umiyak ako nang umiyak habang pinapanood ang paghaplit, pagsipa, pagtulak at pagsuntok nila kay Dan habang pasan-pasan ang Krus.

Hindi ko lubos akalain na magagawa iyon ng asawa ko.

Inaamin ko, unti-unting nalulusaw ang galit ko sa kanya lalo na nang magpatali siya sa Krus at paulit-ulit niyang sinasabi ang sobrang pagsisisi niya dahil sa ginawa niya sa akin.

Gusto ko na ngang bumalik sa.Pilipinas pero nahiya ako kay Mommy. Nangako kasi ako na pahihirapan ko muna si Dan bago ko siya tanggapin ulit.

Napalingon ako sa pintuan ng silid ko nang bigla itong bumukas.

Hindi talaga marunong kumatok si Mommy. May hawak itong limang paper bag.

"I'm glad you're awake now. Nag-shopping ako kahapon. Maligo ka na at isuot mo ito."
Maang akong napatingin sa dress na inilabas ni Mommy.

"Ang iksi naman. Hindi ako magsusuot ng ganyan. Isa pa, buntis ako. Ano na lang ang isipin ng mga taong makakakita sa akin?"

"Iisipin nila na may sense of fashion ka."
Hindi na lang ako umimik. Wala ring silbi kapag umangal ako.

"Curl your hair para naman may magbago sayo. My God! Noong buntis ako sayo, ang ganda-ganda ko pa ring tignan. Look at you, mukhang mas matanda ka pa sa akin."
Sumimangot ako. Heto na naman, uukrayin na naman ako. Kaya nga
nag-move-out na ako pagkatuntong ko ng edad na 22 kasi pinakikialaman ang style ng pananamit, buhok, at kung
ano-anu pa.

"Faster Chequi, may bisita tayo!"

"Tapos na akong maligo! Magbibihis na lang!"
Dinampot ko ang pink na dress at pumasok ako sa banyo.

Napangiti ako nang makita ko ang hitsura ko. Nakakapanibago lang.
Pero bagay naman sa akin!

Nakailang pose ako sa full length mirror nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakailang pose ako sa full length mirror nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Sigurado si Mommy na naman. Hindi talaga makapaghintay!

"Perfect!"

Lalaki?

Bigla akong nakaramdam ng pagka-conscious lalo na at nakatalikod ako. Panigurado, yong bilugan kong puwet ang nakaharap dito.

Pipihit na sana ako paharap pero nakalapit na pala. Yumuko ako nang maramdaman kong hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.

"Kumusta, Chichi?"

Chichi?
Iisa lang ang taong tumatawag sa akin ng ganun.

Noong una, labis kong ikinairita kasi ba naman, ang ibig sabihin pala ay boôbs!

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon