Is It Over?

4.8K 135 73
                                    

1 Week and 3 days later...

CHEQUI'S POV

"Ang tagal mo yatang nag-telebabad, Dan. Sino ba yung kausap mo?"
Usisa ko nang makalapit ako sa kanya.

Kanina pa kasi. Tapos agad siyang nagpaalam sa kausap nang makita niya ako.

"Ang Mommy mo ang kausap ko sa telepono, kitten."
Halata ang pagkainis niya.

"Ano ang sinabi ni Mommy sayo? Bakit ikaw ang tinawagan?"

"Galit pa siya. Ayaw ka niyang makausap. Ako ang dinakdakan."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Mahigit anim na buwan na ang nakakaraan pero hindi pa rin kami okay ni Mommy. Malapit na ang Chinese New Year pero hindi pa rin niya matanggap ang pakikipag-live-in ko kay Danilo.

Hindi ko mabilang kung ilang beses ko na itong tinext, tinawagan at pinuntahan sa bahay nito. Pero ayaw niya akong makausap o pakiharapan man lang.

Parang isang napakalaking krimen ang desisyon kong yun.
Matanda na kami ni Dan.
Bakit kaya hindi maisip ni Mommy na dapat na nitong ipagpaubaya sa akin ang pagdedesisyon lalo na sa usaping pakikipagrelasyon?
Or dahil ba sa naunsiyaming pagpapakasal nila ni Thomas Lau kaya ito ganun?

Bumuntong-hininga si Dan. Parang aburido.
Baka nga minura-mura siya ng nanay ko.

"I'm sorry Dan."
Yumakap ako sa kanya.

"For what, kitten?"
Gumanti siya ng yakap sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan ni Mommy sayo."

"Huwag mo nang isipin yun.
Tara, baka lumamig ang breakfast"

Inakbayan niya ako at dumulog kami sa dining table.

"Bakit ang dami nito, Dan? May okasyon ba?"
Nagtatakang tanong ko.

Paano may corned beef hash, granola, homemade waffles, frittatas, berry bonanza, omelette masala uttappam without union, vegetable dosa, sattu paratha at croissants.
Sobra-sobra para sa aming dalawa. Kung hindi lang nagpunta ng Mongkok si Mei, tatawagin ko para sumalo sa amin.

"Wala kitten. Inumin mo na ang milk tea mo. Lalamig na yan."
Seryusong sabi niya.

"Anong oras ka nagising?"
Tanong ko.

"4 am."

"Ha? Bakit ang aga naman? Holiday kaya ngayon."

Naalimpungatan ako mga bandang alas-sais.
Narinig ko ang boses niya sa banyo. May kausap sa phone.
Pero dahil inaantok pa, natulog pa ako hanggang 9 am.

"Ang dami mong tanong! Puwede kumain ka na lang!"

Natahimik ako bigla.
Yumuko ako at kumain ng tahimik.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagsusungit.

Pasimple ko siyang sinulyapan. Kumain lang siya ng isang pirasong croissant at ininom ang kape niya. Tapos nakatitig siya sa plato niyang walang naman.

Dahil ayukong masayang ang inihanda niya, kumain pa rin ako. Tinikman ko lahat.

Hindi ko na lang dinamdam ang biglang pag-iba ng mood niya. Sigurado dala iyon ng pag-uusap
nila ni Mommy. Matalas kasi ang dīla ng nanay ko kung minsan.

Nang matapos kaming kumain, tumayo ako at inilagay sa sink ang mga plato.

"Just leave it there, Chequi. Ako na ang bahala. Maligo ka na. Bilisan mo."

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon