6th Monthsary

5.5K 132 99
                                    

CHEQUI'S POV

"Tara sa Macau."
Natigil ako sa pagre-review ng sales for this month nang biglang bumulaga si Danilo sa office namin ni Mei.

"Huh? Ano ang gagawin natin doon?"

"Tatae at iihi, Chequi. Nandun kasi ang CR natin."
Sabi niya at pinaikot ng tatlong beses ang kanyang mga eyeballs.

"Ewan ko sayo, ang hirap mong kausap. Ang ayos-ayos ng tanong ko pero hindi ka makasagot ng matino. Saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo?

"Sa nguso ng giraffe."
Tumatawang sabi niya.

"Hindi ako nagbibiro, Danilo! Kaya huwag kang mamilosopo!"

"Sige na nga, sa buntot ng pagi na lang."
Napasandig ako bigla sa swivel chair ko. Nakakaubos ng energy minsan na kausapin siya.

"Bakit nga tayo pupunta sa Macau?"
Tanong ko sabay hilot sa magkabila kong sentido.

"Eh gusto ko ngang tumambay sa putol na simbahan ng dalawang oras."

"May trabaho ka. Tapos tatambay ka lang dun? 10 am pa lang, Danilo. At Monday na Monday!"

"Oo, may trabaho nga ako.
Hindi yun problema. Kasi nandiyan pa rin ang trabaho kahit saan ako magsusuot. Nakabuntot lang sa akin."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Aba, at pinandilatan din ako!

"Yong seryuso, Dan. Magma-Macau ba talaga tayo?"

"Oo nga. Bakit hindi pa ba seryuso ang mukha ko sa lagay na 'to? Pinagdugtong ko na nga ang makakapal kong kilay."

"Ilang araw tayo dun?"

"6 days lang naman."

"Ano ba ang meron?"

"Wala naman, kitten. Walang meron. Kasi 6 months na tayong magkatabing matulog sa iisang kama. 6 months na tayong nakatira sa iisang flat. 6 months lang naman, Chequi. Kaya nga hindi mo maalala 'di ba? Ang tanda mo na kasi. Ulyanin!"

"Mas matanda ka! 31 ka. Samantalang ako 27!"
Nagngingitngit kong ganti. Imagine, siya itong lampas treinta na ang edad pero kung minsan, talo pa niya ang isang toddler sa pagka-childish at kakulitan.

Kumunot ang noo ko nang biglang sumeryuso ang mukha niya. Nakatingin siya sa mga kamay ko na nasa ibabaw ng desk ko.
"I have so much plan for us. I even picked up the best hotel to make sure you would like it."

Umawang ang mga bibig ko sa sinabi niya. Is he serious? Or baka naman may sinat siya?
"Bakit pa tayo magho-hotel eh may bahay ang tatay mo doon? Gagastos ka? Naku, Dan. Sayang! Malaking kabawasan yan sa pera mo."
Pangangantiyaw ko.

Totoo naman kasi.
Kahit barya lang importante sa kanya.
Nakakalimutan niya kung saan niya nilalagay ang susi ng kotse niya, ang phone at iba pa niyang gamit pero nakapagtataka lang na tandang-tanda niya kung ilan ang barya sa bulsa ng pants niya.
Kung saan niya naiwan ang bills niya kahit 10 dollars lang.
Minsan nga nahulog sa toilet bowl ang 1 dollar coin niya. At ang ginawa, nagsuot ng glove at pinulot ba naman. Makakabili na daw yun ng chewing gum.

"Monthsary natin to, kitten. Kaya hindi ako manghihinayang sa magagastos. Masarap naman kasi ang gagawin natin doon."

Kaylaking milagro!
Sa wakas may maganda na ring naidulot ang pagsama niya sa aking magsimba kada linggo.

"Puro naman tayo trabahong pareho kaya sulitin na natin ang 6 days doon. Tanungin mo si Mei kung gusto nilang sumama ni Luis."
I listened to him as he babbled on about his plans.
He's obviously excited about it and it's quite adorable.
Even though most of the stuff he talked about seemed to have only been chosen for my benefit.
Bilhin ko daw ang ano mang gusto ko. Magshopping daw ako kahit gaano karami at kamahal.
Hindi ko mapigilan ang kilig sobrang kilig at tuwa.
Nagkakulay puti na yata ang uwak.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon