DANREB'S POV"Ano? Hindi ko narinig! Lakasan mo Reberos!"
Bulyaw ni Manjoe kay Danilo.Natatawa ako kasi sobrang naiinis na si singkit. Lumalaki na ang butas ng ilong niya.
"THE END! Hayop kang aso ka! Sinabi ko na nga, pinaulit mo pa! Maglinis ka ng tutuli mo sa tainga, dugyot!"
Ganting sigaw ni Danilo. Nagkainitan na talaga."Hindi yun, bobo! Yung nakasulat sa baba pagkatapos ng THE END! Hindi ko narinig na binasa mo! Ikaw ba pare Danreb narinig mo? Yun ang pinakaimportanteng nilalaman ng kuwentong sinulat namin!"
"Hindi. Wala akong narinig. THE END ang huling binasa niya."
Sabi ko. Totoo naman kasi. Nilaktawan ni Danilo ang karugtong ng THE END."Yun naman pala. Ano Reberros, babasahin mo o hindi? Sige ka, hindi namin ibibigay ang regalo naming espesyal."
Ngising-asong sabi ni Manjoe. Kahit kailan talaga magkasundo kaming dalawa."Oo na!
WRITTEN BY:
DANREB FLOYD FIGUERRES
MANJOE MERKEL LABRADOR!""Magaling! Magaling ang dalawang author. Ikaw ba, pare Danreb may gusto kang ipaulit? Baka may parteng hindi ka narinig?"
Alam ko kung ano ang pinupunto ni Manjoe. We're always on the same wavelength. Parang sina B1 at B2 lang kami. Masakyan nga. Painitin namin ang ulo ng groom. Mamaya lang graduate na siya sa pagiging binata. Yan ay kung sisipot ang bride niya.
Dahil sa kakuripotan ni hindi man lang nagpa-stag party. Kaya
gigisahin namin ngayon ni Manjoe.Hinimas-himas ko ang cleft chin ko na laging pinanggigigilan ng mahal kong Crystal. Kunwari inaalala ko yung binasa ni Danilo.
"Hindi ko matandaan na binasa mo yung masakit na katotohanan, Danilo. 70 words yata yun bago yung THE END. Gusto kong ulitin mo. Masarap kasing pakinggan. Parang musika sa tainga ko."
Pigil ko ang tawa ko nang mag-isang linya ang makakapal niyang kilay. I know pikon na pikon na. Sinadya kong ipinaypay sa mukha ko ang dalawang plane ticket for Maldives."Ano yan, Pare Danreb?"
Kunwari ay hindi alam ni Manjoe. Ang galing magkunwari ang loko."Plane ticket lang naman para sa Maldives.
Sabi ko at mas ipinaypay ko pa iyon sa mukha ko at mukha ni Manjoe.Tatakamin ko si Danilo. Tignan ko lang kung hindi niya papatusin. Pigil na pigil ko ang tawa ko nang lumunok ng sunod-sunod si singkit at nakatingin sa hawak ko.
"Oo na, uulitin kong basahin ang parteng yun."
Mahinahon niyang sabi."Dapat with feelings."
Sabi ko. Humagalpak ng tawa si Manjoe nang magsimulang magbasa si Danilo."Masakit tanggapin na hindi na siya babalik pa sa buhay ko. Kahit pa siguro maglulupasay ako sa sahig.
Kahit gusto ko mang magwelga, maghunger-strike, wala akong magagawa kundi yakapin ang mapait at masaklap na katotohanan. Katotohanan na higit na mas maganda ang true to life love story nina Danreb at Labrador kaysa sa akin. Walang panama ang tragic kong love story sa happy ending na kuwento ng buhay nila."
BINABASA MO ANG
STROKE OF LUCK (Completed)
RomanceNagising ako na masakit ang buo kong katawan. I stood dazed and confused. What had just happened, I thought I was dreaming. I prayed I was dreaming. Suddenly I felt a bit damp on my womanhoód. It was real! I burst into tears nang maalala ko ang nang...