CHEQUI'S POV
"Kapag ganyan kalaki ang böobs ko magsusuot ako ng V-necks at booty shorts araw-araw. Hindi yang pangit na dress na yan na pinatungan mo pa ng sweater. Bakit hindi mo subukang manamit ng medyo provòcative, Chequi. May ipapakita ka naman kaya dapat, ipasilip mo rin ah."
"Mei, irecord mo na lang kaya yang speech mo na yan. Tutal yan na ang breakfast ko parati. Nakatipid ka pa sana
ng läway. "Nakakaumay na kasi. Lagi niyang pinakikialaman ang pananamit ko. Anong magagawa ko kung sa ganito ako komportable. I used to wear floral dresses na lampas tuhod.
Disente ako magsuot hindi yung tipong babastusin.
Hindi naman masasabing manang ako. Kasi nga nakikita ang kurba ng katawan ko sa mga dresses ko.
Itong kaibigan ko kasi, parating sinasabi na magpakita ako ng laman. Ano ako? Karne sa palengke?
"Yan, nahumaling ka na kasi sa kachat mong yan na hindi mo naman alam kung kumpleto ba ang daliri sa kamay at paa. Naku girl, sa halip na magpaniwala ka diyan, makipagdate ka na lang sa mga puti at Chikwa. Ang dami kayang nagnänasa sayo dito sa Lantau Island. "
"Huwag mo akong pakialaman. Iba si Lau Long. Hindi manīac. Mabait siya at thoughtful. Hindi gaya ng mga nakakadate mo na malisyüso makatingin. Sa halip na mukha mo tinitignan, yang clèavage mo."
"Hahahay! Nakakahaba ng hair kaya. Kapag binubusuan ako ng kadate ko, feeling ko nakasalang ako sa platform for beauty pageant. Ano kamo ang pangalan ng kachat mo, Lau Long? Ang pangit ng pangalan Chequi. Mukhang uugod-ugod at walang pera."
"Aanhin ko ang mayaman kung babaero naman, Mei. Saka may pera naman ako. Maganda ang takbo ng negosyo natin".
Hindi lang kasi kami magkaibigan. Magkasosyo kami ni Mei.
Pag-aari namin ang Chequi Mei Kabayan Grocery, Kusinang Pinoy & Internet cafe. May tatlong branches ito. Isa sa Lantau Island, Mongkok at Worldwide Plaza, Central Hongkong.Hindi lang yan. May lima kaming flat na ginawa naming boarding house para sa mga Kabayan na stay out sa mga employer nila at yung iba naman bedspacers tuwing off day nila.
Hindi sa pagmamayabang pero ang bilis ng paglago ng negosyo namin. In fact, magbubukas rin kami ng branches sa Lucky Plaza sa Orchard , China Town at Ang Mo Kio , Singapore.
Gaya ng Hongkong, marami rin kasing mga kababayan na OFW sa bansang yun."Let's meet him in person, Chequi."
Napalingon ako kay Mei dahil sa sinabi niya. Kasalukuyang kachat ko kasi ang boyfriend ko na hindi ko pa nakikita.
"Tutal magbabakasyon tayo ng isang linggo sa Pilipinas, i-meet natin ang jowa mo. Natin kasi kailangang kasama mo ako. Mahirap na baka miyembro pala yan ng Red hand huthutero/akyat bahay gang."
Kinabahan ako bigla. Paano na kung hindi ako magugustuhan ni Lau Long? Ang nobyo ko na Fortuneteller/Carpenter/Quack doctor
na may dugong Ilonggo, Ilocano, Bicolano, Pangasinense, Ibanag, Manilenio at Chinese na nakilala ko sa wechat.Dios ko, huwag naman po sanang mangyari ang ikinakatakot ko. Sobrang mahal ko na si Lau Long. Siya lang ang nagpapasaya ng bawat araw ko.
"Ano Chequi? Don't tell me na hanggang chat na lang kayo! 6 months mo nang pinaglalamayan ang wechat na yan pero ni hindi mo pa nakikita ang bâyag ng Lau Long na yan. Kung long ba o bansot.
Ni hindi mo alam baka isa lang ang itlog niya. O baka wala! Kinikilabutan ako para sayo."
BINABASA MO ANG
STROKE OF LUCK (Completed)
RomanceNagising ako na masakit ang buo kong katawan. I stood dazed and confused. What had just happened, I thought I was dreaming. I prayed I was dreaming. Suddenly I felt a bit damp on my womanhoód. It was real! I burst into tears nang maalala ko ang nang...