CHEQUI'S POV
"May good news ako, Chequi! Actually, two good news!"
"Ano na naman, Mei? Kung magkukuwento ka ulit ng mga napanood mong malaläswa, please lang wala ako sa mood makinig."
"Ito naman. Kunwari pa eh nagugustuhan naman ang mga kuwento ko. Huwag ka ngang pa-baby. Let's enjoy our holiday! Pagpatak ng January 3, subsob na uli tayo sa trabaho."
"Ano nga, Mei? Bilis-bilisan mo, puwede? Magluluto pa ako ng lunch natin."
"May bago tayong kapit-bahay, Chequi. Nakasalubong ko kaninang umaga pagkagaling ko sa Welcome."
"Natural na may kapitbahay tayo, Mei. Anim na flat kaya lahat sa bawat floor ng building na ito."
"Sabi ko, bagong kapit-bahay."
"So? May bago kang kat-sismis ganun?"
"Hahahay! Tumpak! Nakapagkape na nga ako sa flat niya. Guwapo siya, Chequi! At half Filipino! Ilalakad kita sa kanya!"
"May sarili akong paa, Mei Ann. Kaya kong lumakad mag-isa."
"Ibig mong sabihin, ikaw mismo ang manliligaw kay poging tsinito?"
"Hindi. Hindi ako manliligaw. At hindi ako mag-aasawa!"
"Sige, magmadre ka na lang kung ganun!"
Inirapan ko lang ito.
"Ano ang isa mo pang good news? Kung good news nga na matatawag.""Talagang super good news ito, girl. Since hindi natuloy ang date natin noong Christmas Eve, sabi ni Luis, mamayang gabi na daw yun. Dumating na kasi ang pinsan nito. Dadalo tayo ng party, Chequi!"
Supposed to be hanggang New Year kami sa resort ni Luis Chung pero hindi natuloy. Umuwi rin kami after Christmas. Ewan ko ba sa Mei na yan. Pabago-bago ang isip.
"Ano ang isusuot natin?"
Tanong ko. Hindi naman ako mukhang exited."We will dress like slûts, Chequi! I'm so excited na! Ulitin mo nga ang sinabi ko, Chequi. Say it with me. We're...going...to...dress...like..
slûts."I glared at her. Pero tumawa lang ito.
I imagined my face twisted in disgust as I stared at Mei."Ikaw na lang mag-isa, Mei Ann."
"Oh come on. Tatanda kang dalaga kapag ganyan. 27 years old na tayo, Chequi. Kailangan nating humabol. Three years na lang mawawala na tayo sa dahon ng kalendaryo. Paano kapag nag-asawa na ako? Eh di ikaw na lang ang matitira dito sa flat natin?"
Parang natamaan ako sa sinabi ng kaibigan ko. Oo nga pala. Hindi imposibleng mangyari yun.
Darating at darating ang time na magkanya-kanya kami ng buhay.
Iniisip ko pa lang, nalulungkot na ako.
Hindi biro ang pinagsamahan namin ng kaibigan ko. She's more than a sister to me.
Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi pa ako nakakamove-on hanggang ngayon.
Siguro nakabaón pa rin ako sa alaala ng malagim na pangyayaring yun."So, hahayaan mo akong dumalo sa party ng mag-isa? Paano kung dadalhin ako ni Luis sa madilim at walang katao-taong lugar? Tatakpan nito ng panyo ang mga mata ko, bubusalan nito ang bibig ko, tatalian nito ang mga kamay ko at isa-isa nitong hûbarin ang mga damit ko. Tapos hahalîkan ako kahit labag sa loob ko. Kukubäbawan ako at gagaha---"
"Stop!"
Tinakpan ko ang dalawang tainga ko.
Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa sinabi ni Mei. Alam kong way lang ito ng kaibigan ko para hindi na ako tumanggi sa gusto nitong mangyari.
Pero paano kung magkatotoo ang sinabi nito? Paano kung sa sa kabila ng kabaitang ipinapakita ni Luis Chung may madilim pala itong intention sa kaibigan ko? Mahirap magtiwala! Ayukong mapahamak si Mei.
There's no way I would let that to happen to her!
BINABASA MO ANG
STROKE OF LUCK (Completed)
RomanceNagising ako na masakit ang buo kong katawan. I stood dazed and confused. What had just happened, I thought I was dreaming. I prayed I was dreaming. Suddenly I felt a bit damp on my womanhoód. It was real! I burst into tears nang maalala ko ang nang...