Peacòck Feather

4.8K 118 112
                                    


CHEQUI'S POV

"Umikot si Tita Chequi ng 3 beses, Tito at kumembot-kembot."
-Kristoff

"Yon lang pala. Akala ko may iba pa."
Nakangiting sabi ni Dan.

"I'm not finished yet, Tito. Pinisil ng lalaki ang puwèt ni Tita Chequi. At ang sabi:
'Wow! It's meaty, big and round'.
And Tita Chequi said, THANK YOU!"

Napangiwi ako nang maramdaman kong tila bumaon ang mga daliri ni Dan sa balikat ko. Nakaramdam ako ng bahagyang kirot dahil sa diin ng pagkakahawak niya sa akin.

"Where's the necklace?"
Mahina ngunit mapanganib ang tono ng boses niya.

Natatakot ako.
Hindi ko alam kung paano magalit si Dan ng todo.
At hindi ko rin alam kung kaya ko bang i-handle.

"Inuubos mo ang pasensya ko, Chequi. Nasaan ang kwintas?"

Nanginginig ang kamay ko na iniabot sa kanya ang isang paper bag.
Ni walang salitang namutawi sa bibig ko dahil sa matinding takot ko sa kanya.

Ang pula-pula ng mukha niya. I saw how his jaw clenched and how he gritted his teeth.

Hinablot niya ang paper bag sa akin.

"Job well done son."
Narinig kong sabi ni Danreb then he patted Kristoff's head at kinarga nito ang anak.

Lumapit si Dan kay Danreb at umalis sila kasama si Manjoe. Dala nila ang mga perlas na kuwintas namin.

"My husband was furious. I'm sure hindi ako kikibuin ng ilang araw which is really torturous."
Naiiyak na sabi ni Feliza.

"Lalo na si Danreb. Panigurado, pagbalik namin ng Pilipinas, sa kuwarto siya ng mga anak namin matutulog. Parang hangin akong dadaan-daanan niya. Ganun ang asawa ko kapag nagalit sa akin."
Garalgal ang boses na sabi ni Crystal.

"Siguro magsakit-sakitan na lang ako. Kunwari dinatnan ako ng dysmenorrhea. Panigurado hindi ako matitiis ni Ugok ko. Kayo din ganun ang gawin niyo."
-Feliza

"Hindi puwede sa akin. Katatapos lang ng regla ko. Alam yon ni Danreb. Ikaw Chequi, subukan mong magsakit-sakitan."

"Hindi ko na kailangang magpanggap, Crystal. Kasi pakiramdam ko magkakasakit talaga ako dahil sa matinding kaba at takot kay Dan."

"Magpahinga na lang muna tayo. Kailangan natin yon para sa mahaba-habang confrontation mamaya. Nakakalungkot lang isipin. Kung kailan last day na natin sa Maldives saka pa tayo nagkaproblema sa mga asawa natin."
-Feliza

"Now I know kung bakit pinasama ni Danreb si Kristoff. Para gawing bantay natin at taga-report. Tinuruan siguro ng asawa ko na magtulog-tulogan ang anak namin."

"Wais talaga ang asawa mo, Crystal."

"Nasabi mo pa, Fel. Kahit noong baby pa ang anak namin, katulong na ni Danreb para mapalayo ang mga lalaking lumalapit sa akin. Pinapaiyak niya ng malakas. Saka ipapakarga sa akin. Kaya yun, na-train si Kristoff na maging Guwardiya Civil."

"Mahigit 3 years old pa lang ang anak niyo pero straight na siyang magsalita. Perfect na ang pagkaka-pronounce niya ng cléavage."
Puna ko.

"Alam mo kung bakit, Chequi?"

Umiling ako.

"Kasi yon ang first word na nasabi ni Kristoff noon. Itinuro lang naman ng asawa mo. Ok lang sana pero pati 2nd at 3rd word, hindi man lang Mama o kaya'y Papa."

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon