Do Something!

5.6K 141 78
                                    

2 Months and 6 days later....

CHEQUI'S POV

"Nandiyan ang potential boyfriend mo, Chequi."

"Ano?"

"Yung potential boyfriend mo daw."
Sabi ni Liza.
Yung isa sa mga saleslady sa Kabayan Grocery na negosyo namin ni Mei.

I looked at Liza, giving her an incredulous look.

"Danilo is not my potential boyfriend."
I said in a flat tone.

"Sabi ni Mei eh. Mukha ngang totoo. Hinahanap ka kasi ni Poging Chinito. Mag-retouch ka na bilis. Papasukin ko na dito sa office."
Humagikgik ito saka isinara ang pinto ng office namin ni Mei.

Umiling-iling ako.
Why does everyone believed that that insect and I are involved romantically?

I mean, we're just neighbors!
Sure, we almost kissed once but it was just a step of the dance. Last step as what he've told me when we were in the moment. Dancing moment that time.
Not because we like each other.
Plus he's not my type.
Gusto ko yung maginoong lalaki. Hindi yung tipong bastos!
And surely ganun din siya. Hindi ako ang tipo niya. He likes wìld women. Naughty women.
I'm just too boring for him.

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng office.

"Hindi mo ba nabasa ang sinage sa may pintuan? Knock first!"

"Nabasa siyempre. Pero alam kong hinihintay mo na ang pagpasok ko."
He's grinning like an idiót.

"Hindi upuan ang working desk ko! Use the couch!"
I shouted out loud.

Ang hayop, umupo ba naman sa table ko. Kita na ngang ang daming papel na nakatambak!

"Uupo ako kung saan ko gusto.
Magpa-merienda ka naman. I'm starving. Kagagaling ko lang sa construction site."

Aba! Aba! Ang kapal-kapal ng mukha!
Sa amin na nga siya nakikikain ng breakfast, pati ba naman tea time?
Palibhasa, masyadong mabait si Mei sa kanya. Ewan kung ano ang pinainom ng insektong ito sa kaibigan ko.

"Be good to him, Chequi. Pagsilbihan mo. Mabuti nga yun, makakapag-practice ka na kung paano mag-asikaso ng asawa.'
Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ko ang litanya ni Mei sa akin sa bawat umaga na naghihimutok ako dahil may dagdag pa kaming palamunin.

Minsan nga niyayaya ko na ang kaibigan ko na sa McDo kami mag-agahan para makaiwas sa insektong ito.
Asar lang talaga!
Buti sana kung mahugasan man lang ang cup at platong nagamit pero hindi!
Nagpapa-buwisita talaga!
More than 2 months nang ganyan.

"Ang pangit mo! Para kang matandang babae na kumikibot-kibot ang nguso!"
Tumatawang sabi niya sabay kalampag sa desk ko.

"Wala akong ipapa-merienda sayo! Kung gusto mo, ihi ko ang inumin mo!"

"Birthday ko pa naman. Ika-30th birthday ko. Wala na ngang bumati sa akin sa office, pinagdadamotan mo pa ako. Sinundo pa naman kita para sabay na tayong umuwi."

"Hayop! Ang sabihin mo, pasasakayin mo ako sa kotse mo tapos ititigil mo sa gasoline station, maghahanap ka kunwari ng wallet mo....sasabihin mong naiwan mo sa flat mo at hihingi ka ng pang-gasolina sa akin! Alam ko na yang style mong yan, Danilo!"

"Hmmm, hindi. Hindi ka nga nagkakamali sungit. Pero hindi sa gasoline station kundi sa Cafe de Coral. Yan talaga ang binabalak kong gawin kung hindi mo ako
pag-meriendahin. Mamili ka. Dalawang slice na cake at kape o mag-order ako ng marami sa madadaanan nating restaurant mamaya?"

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon