MEI'S POV
Tahimik lang kami ni Chequi sa loob ng hotel room namin.
Mula sa airport hanggang sa pag-check-in namin sa isang hotel dito sa bayan ng Sta. Praxedes, hindi kami nagkibuan.
I respect her silence, at alam kong ganun din siya sa akin.
Kagabi, pabaling-baling siya sa kama.
Ganun din ako. Pareho kaming hindi nakatulog. Iniisip siguro niya ang posibleng mangyayari.Ngayon, pakiwari ko, nakasalang kaming pareho sa death row. Habang papalapit nang papalapit ang oras, palakas ng palakas ang kaba ko. I'm sure ganun din siya.
"Tatawag tayo ng pulis, Chequi.
Kinakabahan kasi ako."
Baling ko sa kanya."No need. Let's face him. Tayo lang."
Mahina niyang sagot.Tinignan ko ang suot kong wrist watch.
5:30 pm.
Domuble ang kaba ko."Let's go, Chequi."
Tinitigan niya ako nang maigi bago tumayo sa kama.Mula sa hotel na tinuloyan namin, naglakad lang kami patungo sa lugar.
Parehong hotel na tinuluyan namin noong 2012.Nangatog ang mga binti ko nang marating namin ang lugar. Mahigit 3 years na ang lumipas pero bakit ganito? Hindi pa rin tapos ang building? Mukhang abandonado na!
Nakaramdam ako ng kilabot. Lalo na at walang taong dumadaan sa parteng ito ng bayan sa sandaling ito.
"Dito ka muna, Chequi. Ako lang ang papasok."
Sinubukan kong patapangin ang boses ko para makumbinsi ko ang kaibigan ko na ngayo'y namumutla na.Hinawakan ko ang dalawang palad niya. Napakalamig at nanginginig siya.
"M-Mei. Sasama ako."
"No. Ako muna. Remember, isasauli ni Mr. D.R.R.L. ang wallet ko."
"P-pero papaano kung sasaktan ka? We will face him. Together."
Naiiyak niyang sabi.Napalunok ako. Hindi puwedeng kakikitaan kaming pareho ng takot at kahinaan. At least man lang may isa sa amin ang matapang. Ang matibay ang loob. Kahit nagtatapang-tapangan at nagtitibay-tibayan lang.
"Dito ka lang muna sa labas. Kung hindi pa ako nakakabalik after 30 minutes, saka mo ako sundan sa loob o mas maiging tumawag ka ng pulis. Maliwanag ba, Chequi?"
"P-pero Mei, d-delikado. Hindi natin alam ang kung ano ang puwedeng gawin ng lalaking yun. P-paano kung may kasama siya?"
"Ipagdasal mo na lang ako. Kung kapalaran kong mamatay, kahit anong pag-iingat ang gagawin ko, mamamatay ako, Chequi. Saka hindi pa siguro mangyayari yun. I still have some unfinished business with my Ex fiancè John Henry."
Hindi na ako nagpapigil pa. Bawat hakbang ko papasok sa loob, ibayong kaba ang lumulukob sa akin.
Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang kumaripas ng takbo palabas. Pabalik sa kinaroroonan ni Chequi.
Tumigil ako sa tapat ng elevator. Wala akong planong umakyat sa first floor. Sa ground floor lang ako. Dito naman nangyari ang panggagahasa noon.
"I'm here now! Kaya lumabas ka na Mr. D.R.R.L! Akin na ang wallet ko nang makalayas na ako! "
Halata ang panginginig sa boses ko.Nagbilang ako ng sampu sa isip ko pero walang nagpakita. Ni wala akong narinig na yabag o kaluskos man lang.
"Ano ba! Sinasayang mo ang oras ko! Magpakita ka na nang matapos na ito! Magpa-parlor pa ako, gago!"
BINABASA MO ANG
STROKE OF LUCK (Completed)
RomanceNagising ako na masakit ang buo kong katawan. I stood dazed and confused. What had just happened, I thought I was dreaming. I prayed I was dreaming. Suddenly I felt a bit damp on my womanhoód. It was real! I burst into tears nang maalala ko ang nang...