Green & Red Monsters' Gift

4.9K 132 115
                                    


MANJOE'S POV

"Happy wedding Reberros kahit hindi masaya ang kasal mo dahil hindi sisipot ang pinakamamahal mong bride."
Nakangising sabi ko kay Danilo pagkapasok naming tatlo sa limo na maghahatid sa amin sa simbahan.

"Say it with a gift."
Tugon nito. Ang hinayupak, maghanap pa talaga ng regalo! Hmmm pagbigyan nga. Mabuti na lang at nauna na sina Izang ko at Crystal sa simbahan.

"Ibigay mo ang regalo natin. Mukhang atat si Reberros."
Sabi ni Danreb.

Iniabot ko kay Reberros ang gift namin sa kanya. Pasalamat siya at nag-effort pa kami ng todo ni Danreb.

DANILO'S POV

Nakaramdam ako nang disgusto dahil sina Danreb at Labrador ang kasama ko sa sasakyan. Panigurado mang-aasar lang sila. Wala pa naman ako sa mood.

Nakapagtatakang nanahimik ang dalawa. Mabuti naman.

Nasaan na kaya si Chequi? Nakaramdam na naman ako ng lungkot nang maalala ko ang huling pagkikita namin. Talagang sukdulan hanggang ozone layer ang galit niya sa akin.

"Sumisinghot. Umiiyak yata."
Dinig kong sabi ni Labrador kay Danreb.

"Hayaan mo. Sawi sa pag-ibig. Ang malas niyang tao. Valentine's Day pa naman. Siguro isa siya sa mga isinumpa ni kupido."

Nagngitngit ako sa sinabi ni Danreb. Sana hindi ko na lang ikinuwento sa kanila ang lahat.

Lihim akong nagpasalamat nang huminto ang sasakyan sa harap ng simbahan na pagdaraosan ng kasal ko.

"Enjoy your big day, pare. As you can see, tunay kaming kaibigan. Nakasuporta pa rin kami kahit sa oras ng iyong kabobohan."
Tinapik ni Danreb ang balikat ko.

"Oo nga naman. Sa halip na humirit ako kay Izang ko ng Valentine's Day extra round at binyagan lahat ng sulok ng suite namin, heto ako ngayon. Nakikiramay sa kamalasan mo."
Sinamaan ko ng tingin si Labrador. Feeling close sa akin eh hindi ko naman kaibigan. Si Lola lang naman na asawa niya ang kaibigan ko. Ang sarap hambalusin.

Pagkababa namin sa limo, lumapit agad si Henry.

"Bakit ang tagal niyo? Kanina pa dumating ang bride mo!"

"Si Chequi? Dumating na si kitten ko? N-nasaan?"
Hindi makapaniwalang tanong ko.
Akala ko talaga hindi na sisipot si kitten. Pero mas nauna pa palang dumating sa akin sa simbahan.

"Nandoon."
Turo ni Henry sa nakaparadang bridal car. Lalapitan ko na sana ang kinaroonan nito nang pigilan ako ng kaibigan ko.

"Tara na sa loob ng simbahan. Late ka pa naman ng 10 minutes."

Bago kami pumasok sa malaking pintuan, liningon ko muna ang kinaroroonan ng bridal car.

My heart is filled with joy. Matutuloy din ang kasal namin ni kitten ko.

"Tumayo ka nga ng maayos! Nakakahiya ka!"
Saway ni Henry sa akin. Nakatayo kami sa dulo ng red carpet na nakalatag sa aisle. Nagswe-sway ang katawan ko dahil sa matinding exitement at nerbiyos. Papalakas ng palalakas ang tibok ng puso ko habang nagmamartsa ang  wedding entourage.

And now, finally it's my beautiful bride's turn to walk down the aisle.
Nakatutok ang mga paningin ko sa kanya. Nangingilid ang mga luha ko dahil sa hindi maipaliwanag na saya.
She's like a walking goddess in her white-beaded wedding gown.
Hindi hinihiwalayan ng mga mata ko si Chequi.

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon