Chapter 5

349 28 2
                                    

YOONGI

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako. Nalalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Oo sanay na ako. Ganun siyang tao mahilig mangyakap, manghawak ng kamay, mangulit. Sanay na ako.

Oo sanay na ako.

Kaya ang sakit eh, ang sakit dahil magkaibigan lang talaga kami at kuya lang ang turing niya sakin.

Kanino kaya siya may gusto ngayon? Hindi na siya nag kuwekuwento about sa love or crush nya ah.

Basta noon lang, noong panahong naging sila ni Sehun, ang first love niya. Hindi na niya na banggit ang tungkol sakanila dahil ako na mismo ang nag sabi na huwag na niyang ikwento sakin si Sehun.

Anong magagawa ko? Tao rin ako, nag seselos.

"Uy! Yoongi!" Halos pasigaw na pakanta ni nayeon habang nasaharap ko siya at nag aaegyo siya.

"Ah? Ha? Bakit?" Tumingin ako sa paligid at binalik ang tingin sakanya.

"Kanina pakita kinakausap di ka pala nakikinig." Sabi niya ng palungkot. "Lutang kaba? Haha, joke. Btw, nakabili na ako ng candy! San na tayo?" Dagdag niya.

"Ah? Ikaw ang bahala." Ngumiti ako sakanya.

"Tara!" Sigaw niya.

Hinila niya ako papunta na ng room namin.

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon