Chapter 12

267 29 0
                                    

JUNGKOOK

"Jungkook!" Nakinig kong sigaw ng isang babae, naalam kong galing kay nayeon humarap ako at nakita kong tatakbo papalapit sakin si nayeon.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti, hindi naman siya mahirap maging kaibigan eh.

"Tumakbo ka nanaman, tamo pawisan ka" sabi ko sakanya at inabot ko sakanya yung panyo ko.

"Ay thank you. Nasa bag ko panyo ko, sorry" sabi niya habang pinapahid nya ang mga pawis niya.

"Bakit ka pumasok?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw mo? Cge uuwi nalang ako" tinalikuran nya ako at nag simulang maglakad. Hinabol ko siya at hinila yung kamay niya.

"Tinatanong ko lang. Kasi una, may problema ka diba? Tas may sugat kapa sa tuhod mo, at nagawa mo pang tumakbo? Naku nayeon" sabi ko sakanya.

"Ay hala? Tatay? Is that you? Joke lang. Hehe" sabi niya sabay ngiti sakin. "Ayos yun. Astig" dagdag nya

"Ayos bagang" sagot ko sakanya.

Di namin napansin na nalagpasan napala namin ung room namin sa kadaldalan namin. Tumakbo kami pabalik. And yeah, tulad ng dati wala paring teacher.

Pagpasok namin sa room namin ay sumigaw si dasom "Oppa!" Sabay tayo at lumapit sakin at niyakap ako. Napansin ko rin na ginamit nya yung kaliwang kamay niya para mapalayo si nayeon sakin masyado siguro kaming magkadikit kanina.

Kinalas ko ang pagkayakap niya sakin at umupo na ako sa puwesto ko

"Pre, kayo ba ni dasom?" Tanong sakin ng malagong na boses kaya nagulat ako.

Pagharap ko ay si taehyung pala yun. Tulad parin ng dati ang hitsura nya. Na parang sobrang seryoso, hindi tulad ng nagpakilala siya sakin na talagang halata mo sa mukha nya na mabait at masayahin sya.

"H-hindi. Bakit naman magiging kami?" Sagot ko. At nag smirk lang siya.

"Niyakap ka nya. Syempre aaklain nya na kayo" sabay smirk uli niya.

"Ganyan talaga yan, high school palang kami" sagot ko sakanya. Hindi nya inaalis ang mga mata nya sakin

"Ahhh." Sabi niya sabay alis.

Tumingin ako kung saan nakapuwesto si nayeon at nakita kong umiiyak nanaman siya. At etong katabi niya naman ay halang may inis sa kanyang mukha. Di nag tagal ay tumayo siya at umalis. Iniwan niyang umiiyak si nayeon.

Lumapit ako sakanya. At hinimas ko yung likod niya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya

"Si-si yoongi k-kasi e-eh" sagot nya at lalong tumulo ang mga luha nya.

Inabutan ko siya ng panyo ko at pinatahan ko siya.

At nang tumigil na siya sa pag iyak nya "aalis na raw siya" sabi ni nayeon at umiyak uli.

Salamat nalang at wala kaming teacher ngayon.

Hinimas ko ulit ung likod nya. Kinuha ko ung tubigan ko sa bag ko at pinaunom siya para narin umayos siya.

"Okay lang yan" sabi ko sakanya "mamaya na nalang umiyak ha? At ilabas mo narin lahat lahat cge ka pag may pumasok na teacher dito baka kulitin ka. Tara nalang bibili?" Bulong ko sakanya.

"Ayaw ko!" Sigaw nya pero nag pahila parin siya kaya kasakasama ko siya papuntang canteen.

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon