May dalang 3 oreo milkshake at 2 strawberry cake itong si taehyung at palabas na uli.
"Eto na." Nilapag ni taehyung yung tray na hawak niya sa table.
Umiiyak si Nayeon. Napansin ni taehyung na wala na yung lalakeng kasama nya.
"B-bakit?" Tanong ni taehyung kay nayeon. Nakatayo parin si taehyung at nakatingin kay nayeon, natila sobrang nagaalala. Humarap lang si nayeon kay taehyung at ngumiti.
"A-asan, si-siya?" Nabubulol na tanong ni taehyung kay nayeon.
"Uma-" hindi na tuloy ni nayeon ang pagsasalita "ang aga nyong dalawa ah? Nag dadate lang?" Pasigaw na tanong ni jimin kila taehyung at nayeon habang tumatakbo kasama si jungkook.
"Hala? Bat ka umiiyak?" Sigaw ni jimin.
Umupo si jimin sa upuan. Samantalang si jungkook naman ay tumabi kay nayeon. Kaya naiwang tulala itong si taehyung na nakatayo.
"Umupo kana, wala kang mapapala." Medyo pabirong sinabi ni nayeon kay taehyung dahil ang tagal na nitong tulala.
Naapektuhan yata sa nakinig niya kanina sa dalawang babae. Lutang ng sobra eh. Baka akala inaway nung dalawa.
Umupo naman itong si taehyung sa harap ni nayeon.
"Ah-ayos kana? Bat-" naputol ang pagsasalita ni taehyung "oo, ayos na ako. Okay na okay. Napuwing lang ako. Huehahaha" sagot ni nayeon pero halatang pinipilit lang niyang ngumiti.
Ang tahimik na jungkook ay biglang kinuha ang kanyang cp.
To: MyPrincess
Ang peke ng ngiti mo. Ano bang problema?
Tinetext ni jungkook si nayeon. At nabasa narin yun ni nayeon.
From: MyPrincess
Wala. Wala talaga.
Napatawa naman itong si jungkook at umangat ng konti sa upuan sabay bulong ng konti.
"Hah, wala ha." Napangising sabi ni jungkook kay nayeon.
Sa kabilang dako naman, si taehyung at nakatingin kila jungkook at nayeon
"Anong meron sa dalawang ito?"
Nasaisip ni taehyung. Habang nakatulala sa dalawa."So, btw. Ano bang gusto nyong gawin natin? Para sa mapeh?" Sabi ni jungkook sabay ngiti sa mga kasama niya.
"Dito ba talaga tayo maguusap?" Tanong ni taehyung na medyo seryoso kaya akala naman ni nayeon ay galit ito. "Malapit lang bahay namin diyan lang oh. Dun nalang tayo!" Sabi ni taehyung na tila ba parang nagmamadali.
"Baka maabutan pa nung dalawang babae si Nayeon"
Sa isip ni taehyung. Kaya nagmamadali siya."Okay lng ba?" Tanong ni jungkook kay taehyung. At nag tango naman si taehyung.
Tumayo na silang apat at papunta na kila taehyung. At may sumigaw.
NAYEON
"Oppa!!" May sumigaw na dahilan kung bakit kaming apat napatingin sa likod.
Tumakbo ito at niyakap si jungkook.
Kumalas naman bigla itong si jungkook.
"Hi dasom, uhm. Anong kailangan mo?" Tanong ni jungkook.
"Ikaw. Hihi, pwede bang samahan mo ko?" Tanong ni dasom. At nag aaeygo kay jungkook.
"Sorry, may gagawin kaming para sa mapeh eh." Sabi ni jungkook "bye. Nagmamadali kami eh" dagdag nya pa.
Tumingin sakin bigla si jungkook at hinawakan ang kamay ko at sinabi at sinenyasan na rin niya yung dalawa pa namang kasama na medyo bilisan ang lakad.
Ang higpit. Ang higpit ng pagkakahawak ng kamay sakin ni jungkook.
BINABASA MO ANG
Book 1: Dahil Sayo
FanfictionMalalagpasan kaya nila ang lahat ng pagsubok na ibigay sakanila? Ano kayang mang yayari sa pagiibigan nila kung bawat araw ay may nag iintay na pagsubok sakanila? A NaKook Fanfiction, Enjoy ^^ (It's on process pa po sa pag rerevise, thank u)