NAYEON
Nakita ko si mama at kasalukuyang katabi niya si dasom sa may pinto.
Ngumiti ako at tumayo.
"Hello dasom"
"Hi nayeon" imik niya. With fake smile pa.
"Mukhang magkaibigan nga talga kayo. Ang gandang bata pala nito, nayeon. Maiwan ko na muna kayo" ngumiti si mama at umalis.
Hindi pa ako umiimik ng biglang umupo si dasom sa may kama ko.
"Anong pinunta mo rito?" Tanong ko.
"Siguro naman nabasa mo yung message ko diba?" Tinaasan nya ako ng kilay.
Iimik na sana ako at kumatok si mama at pinagbukasan ko, may dala siyang cookies at juice.
"Salamat po tita." Nag bow si dasom
"Oo, hindi ko naman balak agawin sayo si jungkook. Tska isang paalala lang na magkaibigan kami." Imik ko bigla.
Tumayo siya "Paniguraduhin mo lang talaga. Iba ang kinakalaban mo nayeon!" Pasigaw niyang sabi at tinaas niya yung mga kilay niya.
"Hindi naman ako natatakot sayo." Ngisi ko at kukunin ko na sana yung juice para uminom pero inunahan nya ako at binuhos sakin.
Tiningnan ko naman siya ng masama at sinampal ko siya. Hinila niya yung buhok ko.
Hinawakan ko yung parehas niya braso at diniinan ko para tumigil siya.
"Paalala lang lugar ko ito! Ang kapal ng mukha mong gawin sakin to! Umalis ka ngayon na!" Sigaw ko at tinuro ko yung pintuan. Halata sa mukha niyang inis na inis siya.
Bago siya umalis, humarap muna siya sakin
Hindi pa tayo tapos nayeon.
BINABASA MO ANG
Book 1: Dahil Sayo
FanfictionMalalagpasan kaya nila ang lahat ng pagsubok na ibigay sakanila? Ano kayang mang yayari sa pagiibigan nila kung bawat araw ay may nag iintay na pagsubok sakanila? A NaKook Fanfiction, Enjoy ^^ (It's on process pa po sa pag rerevise, thank u)