<Nayeon Pov>
"Wala kaming kasalanan pero bakit nyo kami pinaparusahan?!"
Litong lito ang isip ko, bakit pati ang nanay ko pinaparusahan ako?
Ampon ba ako? May ginawa ba akong kasalanan? Ano?!
Naiinis ako. Bakit ganun? Wala akong alam sa nangyayari?
Bakit kailangan pang idamay lahat ng kaibigan ko?
Bakit???!!!!
Bakit?!!
Bakit?
........
Puro itim, Dilim, ang nakikita ko.
Jungkook asan kana?
"Waaaagg!!" Nakita ko ang isang imahe ng batang babae. sumisigaw, umiiyak, at nagwawala.
Nang makita ko ang iba pang imahe ng mga lalaki, gusto kong lumapit.
Pinaparusahan nila yung batang babae, pati narin yung lalaking nakaupo sa bangkuan.
Gusto kong lumapit at tulungan yung bata pero hindi ko magalaw ang sarili ko.
Nakita ko at nasaksihan ko ang mga nangyari, kung paano pinatay yung lalaki at kung paano nakatakas ang batang babae.
Muling nagdilim at nakaramdam akong may yumakap sakin.
"Tae-taehyung?" Nanginginig kong tanong pero hindi nya ako pinansin, umiiyak siya at iniwan niya ako sa kung saan.
Pintuan. Ang tanging imahe na nakikita ko.
Nang bigla itong nag bukas, mga matang namamaga at halatang kulang na kulang sa tulog.
Nang bigla itong nag bago, naging masaya.
Isang mag asawa na masayang masaya ng nakita ako.
Pinapasok nila ako sa bahay.
Maganda ang loob nito. Sobrang linis.
Inihatid nila ako sa isang kwarto at pag bukas nun, ibang lugar ang nakita ko.
Mukhang opisina kung saan nakikita ko ang isang imahe nang lalakeng nagtataka.
Kinakausap siya ng isang lalake na hawig ng lalake kanina.
Mukha silang nag aaway, galit na galit yung lalake kanina habang yung isa pilit humingi ng pasensya.
May dinukot sa bulsa yung lalake kanina at nilabas ang sigarilyo at lighter.
Pilit siyang pinigilan nung isang lalake pero di nya pinansin at sinindihan ang sigarilyo.
Nang biglang may sumabog at nag simulang magapoy ang paligid.
May bumagsak na isang bagay dun sa isang lalake habang yung lalake kanina at nakatayo at tarantang taranta.
Agad nyang binaba yung sigarilyo at inabot yung lighter dun sa lalakeng walang malay.
Tumakbo siya ng tumakbo at bigla nalang may bumagsak na malaking bagay sakanya dahilan kung bat siya nawalan ng malay.
"AHHHH!!!" Magising ako sa sobrang lakas ng humampas sa binti ko at nakita ko nalang ang mga kaibigan kong naka upo sa bangkuan at nasaktan rin at sumigaw.
------------
Kung medyo nakakalito, guys yan yung mga nakita ni nayeon nung nakatulog siya/nawalan nga malay. nung nakatali silang lahat sa bangkuan at siya yung nasagitna.
Tagal na kasing walang pov si Nayeon, kasi pinagiisipan ko pa tong mga to.
Nakakasabog sa utak no? Bat kaya nandun si Taehyung? HAHA! May clue ba kayo?
Vote.Comment.Follow.
-Asawa ni Kyungsoo.
BINABASA MO ANG
Book 1: Dahil Sayo
FanfictionMalalagpasan kaya nila ang lahat ng pagsubok na ibigay sakanila? Ano kayang mang yayari sa pagiibigan nila kung bawat araw ay may nag iintay na pagsubok sakanila? A NaKook Fanfiction, Enjoy ^^ (It's on process pa po sa pag rerevise, thank u)