Chapter 9

313 34 2
                                    

JUNGKOOK

Natapos na kaming mag practice. Tanging comment ko lang ay napakaganda ng pagsasama sama namin. Magaling.

"Dude, malapit lang pala bahay nyo dito sa bubble tea eh. Dito nalang tayo magpractice ha?" Lumapit ako kay taehyung at nag nod lang siya sakin.

Mukhang seryoso siya.

Tiningnan ko sa kaliwa ko si jimin na pawisang pawisan at sakabila naman ay si nayeon na nag susuklay ng buhok at eto namang si taehyung na kaharap ko nanainom ng tubig. At umalis.

Lumapit ako kay nayeon. Gusto ko siyang kausapin.

"Uhm.. Nayeon.." Sabi ko ng mahina pero napatingin parin siya.

NAYEON

"Hi Kookie~" sabi ko sabay ngiti dito sa kabadong leader namin.
Ewan ko ba kung bakit ganyan yan tuwing ako ang kausap. Haha.

MUKHA BA AKONG MANGANGAIN?!

"A-about sa N-nangyari--" nabubulol na sinabi niya at pinutol ko na agad siya. "Nangyari kanina?" Napangisi kong sabi.

"Ah o-oo. S-sorry dun. B-aka kasimagalitkasakinkasihinawakankoyungkamaymoeh. Di-dikosinasadayapatawarinmoko." Namamawisang sabi ni jungkook at napakabilis niyang binigkas yung mga sinabi nya. So ano? Nagrarap siya ngayon? Haha.

"Oo nalang jungkook, naintindihan ko. Pramis!" Sigaw ko habang natawa. "Hindi naman kita kakainin eh!! Wag kang matakot bro." Dagdag ko naman.

"Ah. Eh sorry" sabi niya sabay tungo.

"Btw, naintindihan ko rin naman. Pero? Bakit? Naiilang kaba?" Sabi ko at kumamot naman siya sa ulo niya at pailing iling. "Wag kang magalala. Wala yun sakin." dagdag ko sabay ngiti sakanya.

"Uhm, p-pwede bang--" sabi ni jungkook at nabubulol nanaman.

"Pwede bang ano?" Sabat naman nitong ni taehyung saamin habang naguusap.

JUNGKOOK

Bakit ba ang seryoso nitong ni taehyung sakin? Nung nagkita naman kami hindi siya ganyan ka cold ah? May problema ba siya ngayon?

"Pwede bang??" Tanong nilang dalawa sakin.

"Pwede bang manligaw?!" Sigaw ni jimin papalapit samin.

"Hays! Pwede kami muna yung magusap? Abala kayo eh, kinakabahan yung tao!" Sigaw ni nayeon.

Umalis naman yung dalawa pero si taehyung. Nakatingin sakin na parang Wag-mong-sabihin-look. Napatingin naman si nayeon kung san nakatingin ako pero napaiwas naman si taehyung ng tingin ng makita niyang nakatingin si nayeon. Sabay balik ng tingin si nayeon sakin.

"Paalala uli, jungkook. Di kita kakainin. Dinaman ako mukhang aswang or what diba?" Sabi ni nayeon sakin na may seryosong mukha. "Chill ka lang, Go sabihin mo na." Binigyan agad ako ng magandang ngiti ni nayeon na nagbigay lakas loob sakin.

"Pwede-p-pwede bang makipagkaibigan sayo?" Sabi ko pero nanginginig parin ako. Naku Jungkook! Malala na yan tol!

"Ah? Haha, yun lang pala. Pwedeng pwede." sabay ngiti ni nayeon.

NAYEON

Bakit ba parang ang saya ko? Haha, hindi ko mapaliwanag pero masaya ako basta.

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon