Chapter 14

261 25 0
                                    

NAYEON

Nakauwi na ako ng ligtas at ngayon nakahiga ako at nakatulala habang iniisip yung sinabi ni taehyung

Ako hinding hindi kita iiwan.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit niya sinabi yang mga yan.

"Eto nanaman tayo?!" Nakinig kong sigaw. Lumabas ako sa kwarto ko at sumilip sa baba. At tama ang nasa isip ko nag aaway nanaman sila mama at papa. Bakit paba kasi nila kailangang mag divorce?

Tinakluban ko ang tenga ko at agad tumakbo pabalik sa kuwarto ko. Ni lock ko ito at humiga ako.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Ayoko ng ganito. Ayoko na. Una si yoongi, Iiwan nya na ako. Ikalawa si jungkook at taehyung, nakakalito sila hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sakanila. At ikatatlo ito, si mama at papa. Bakit paba kailangan nilang mag ayaw dahil kay ate? Bakit hindi nalang sila magtulungan na hanapin siya kung totoong nag mamahalan sila? Bakit kailangan nilang mag give up para sa ganung bagay?!

Kinuha ko yung phone ko at tinext si jungkook.

"Jungkook. Usap tayo sa park pwede? Sumipot kanaman please. Kailangan kita ngayon."

Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Bakit paba kailangang mangyari ito sakin?

Pumunta ako sa park at nakita ko kaagad dun si jungkook.

"Jungkook" napalingon siya at nang makita nya ako ay niyakap niya agad ako

"So-sorry nayeon." Bigla siyang kumalas sa yakap.

"Bakit?" Tanong ko.

Tumingin siya sa baba at "sorry dahil niyakap kita, nagalala lang talaga ako sayo. Bakit nga pala ako yung gusto mong makausap? Bakit hindi si taehyung?" Tanong niya

Nagtaka naman ako, anong si taehyung? Siya yung bestfriend ko at kaclose ko na. Kaibigan ko lang si taehyung?

"Anong sinasabi mo dyan? Syempre ikaw yung bestfriend ko kaya ikaw yung tatawagin ko. Bakit naman pati si taehyung?"

"B-boyfriend mo siya diba?" Napanganga nalang ako sakanya. Like WHAT?! Boyfriend ko si taehyung? Huli ako sa balita.

"Ha? May boyfriend na pala ako di ko alam! Haha" hinapas ko siya habang natawa samantalang siya takang taka. "Di joke lang, sinong nag sabi sayo na boyfriend ko siya?"

"Nakita ko kayong magkayap kanina." Sagot niya.

"Haha, eh bakit ikaw may kayakap kang iba kanina lang rin. Girlfriend mo ba yun?" Tanong ko sakanya.

"Hindi" umiling iling siya.

"Yun naman pala eh, edi hindi ko rin boyfriend si taehyung" sabi ko at ngumiti siya. Napangiti rin naman ako.

"Niyakap mo ako kanina, tayo ba?" Tanong ko ulit sakanya. Ngumiti siya at sumagot

"Oo" pangisi nyang sagot na parang nangaasar

"ANO?! SAGOT MO DAPAT AY HINDI DAHIL MAGKAIBIGAN LANG TAYO!!!" Sigaw ko, tumakbo siya at hinabol ko naman siya.

"JEON JUNGKOOK! Bumalik ka dito!"

"Bleeeeh! Haha" tumakbo siya at inaasar parin ako.

Kapag talaga si jungkook ang kasama ko nawawala lahat ang problema ko.

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon