Chapter 11

255 25 0
                                    

JUNGKOOK

Hinanap ko kung saan ko narinig yung nag tawag sakin.

Di sa kalayuan may babaeng tumatakbo papalapit sakin. Naka black na jacket at pajama.

Si... Si nayeon pala

"Jungkook!" Sigaw nung makalapit siya sakin. Hingal na hingal sya.

"Bakit kaba kasi tumakbo? Yan hingal na hingal ka" nagaalalang tanong ko

"Ah.. D-dyan lang kasi ako nakaupo oh" sabi nya sabay turo dun sa kabilang upuan.

"eh bat kailangan mo pang tumakbo? Saglit ibibili kita ng tubig" paalis na ako pero pansin kong hinggal na hinggal na talaga sya.

Ng biglang may kumapit sa kamay ko. Si nayeon

"Trip ko lang yun. Naalala ko na bawal ng pala ako tumakbo ng mabilis, wag ka ng magalala kaya ko naman ito" sabi niya sabay lalo nyang hinigpitan yung pagkahawak sakin.

"Tara nalang." Sabi ko sakanya

Tatayo na sana si nayeon ng bigla siyang napaimik ng "ouccch!!" Sigaw nya kaya napaharap agad ako sakanya at inupo siya

"Ba-bakit?!" Tanong ko.

Nakahawak siya sa tuhod nya

Itinaas ko yung pajama nya para makita ko kung may sugat yung tuhod

At oo meron nga.

Napansin kong tumutulo na yung mga luha nya.

Agad akong umalis at humanap ng bilihan ng gamot para sakanya.

Pagbalik ko ay nakita kong nakayuko siya at umiiyak parin.

Lumapit ako at lumuhod sa harapan nya itinaas ko yung pajama nya at ginamot yung sugat na nasa tuhod nya. Inabutan ko na rin siya ng tubig. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit kaba nandito? Bakit ka umiiyak? Bakit ka may sugat?" Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Si-si mama at papa kasi"

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon