JUNGKOOK
Natapos na kami ng pag kain sa canteen. Pero sila nayeon hindi parin tapos. Actually, ang ingay nila. Tawanan. Kulitan. Sa totoo lang, naiinggit ako. Ewan ko ba kung bakit. Pero siguro dahil nang nakilala ko siya nung first year ako hanggang ngayon, Hindi ko parin siya nakakausap. Kahit pa madalas kaming nagkikita dahil ni jackson. Swerte ko nga ngayon eh? Kaklase ko siya. Sana maging magkaibigan kami. Mag KA-IBIGAN mas pwede. Haha.
Si nayeon ay isang masayahin babae, makulit, madaldal, maganda. Para bang isa siyang anghel kung pagmamasdan mo siya habang siya'y seryoso.
FLASHBACK
"Whaaat? Magdradrawing nanaman?!" Sigaw ni nayeon
Gamit kasi ng mga players ang room namin kaya kailangan muna namin sa Gym mag klase, nagkataon naman na mapeh time nila ay ang puwesto ay katabi saamin.
"Jackson, si Nayeon oh" kinalabit ko si jackson at nag tingin siya.
"Psst. Psst." Sabi ni jackson habang nakatingin kay nayeon. "Nayeon-ssi!" Pabulong na sigaw ni jackson.
Napatingin si Nayeon kay jackson. At ngumiti siya. Grabe. Parang nasa langit na ako. Kahit hindi naman ako yung nginitian nya!
Bigla naman kaming tinawag ni Ms. Bang. Kaya napatingin kami sa unahan. Napasilip ako kay nayeon kung anong ginagawa niya. Seryoso siya na parang ayaw maabala sa ginagawa nya. Grabe, ang ganda talaga niya. Kahit anong anggulo. Yung eyes nya, yung lips nya, and yung nose nya. Parang bang siya na yung perpektong tao na nakilala ko.
At bigla nalang siya tumawa,
"Whoo! Ang galing ni YeonYeon mag drawing! Hahaha" sigaw nung isa nyang kaklase.
"Ano ba! Wag kang maingay baka malaman nila nako! Hahaha" tumawa si nayeon.
Biruan ba nila yun? Or totoo siyang magaling mag drawing?
END OF THE FLASHBACK
"Bro, kanina kapa tulala." Sabi sakin ni taehyung.
"Ah? Sorry, san tayo?" Tanong ko sakanya
"Uhm, tara na sa room?" Tanong niya. At nag tango nalang ako
NAYEON
"Bye pangit." Sigaw ko kay jackson na papunta ng ibang direksyon.
"Hoy wala kang galang!" Sigaw niya pabalik.
"Mianhae oppa!" Sigaw ko ulit.
"Haha, ang ingay nyong dalawa ha!" Sabi sakin ni yoongi.
"Haha, minhae oppa! Close talaga kami nun. Parang tulad mo." Sabi ko at nag ngiti ako sakanya.
"Ah, kaano ano mo ba sya? Pano kayo nagkakilala?" Tanong niya sakin.
"Bestfriend, sanggol palang kami magkakilala na kami! Haha" sabi ko. At tumawa sya. "Eto na, matagal ng magkakilala si mama at yung nanay niya. Bestfriend sila eh, so nung nagasawa na sila. Magkasama parin sila lagi, hanggang sa nabuntis na silang dalawa. Magkasama parin. Sa totoo lang parehas kaming pinaglihi sa Star Apple, na ayaw naming kainin. At ang ayaw naman nila mama ay mangga na paborito naman namin kainin." Sabi ko. "At saka lagi kami nung magkasama, kaso yung lang. Nagkahiwalay kami dahil tumaas section ko then bumaba siya" dagdag ko.
YOONGI
"Wow, talaga ha. Mas close pala talaga kayong dalawa kesa tayong dalawa" sabi ko skanaya.
Sana ako nalang si jakson. Nakikita ko sa mga mata ni jackson na may gusto rin siya kay Nayeon.
Pero si Nayeon kaya sinong gusto niya?
"Haha, ano na? Tara na sa room malapit na rin naman magtime." Sabi niya. "Ay wait bili tayong candy" dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Book 1: Dahil Sayo
أدب الهواةMalalagpasan kaya nila ang lahat ng pagsubok na ibigay sakanila? Ano kayang mang yayari sa pagiibigan nila kung bawat araw ay may nag iintay na pagsubok sakanila? A NaKook Fanfiction, Enjoy ^^ (It's on process pa po sa pag rerevise, thank u)