Chapter 19

245 19 0
                                    

NAYEON

"Jungkook? Pasan tayo?" Tanong ko sakanya. Di kami nag attend ng klase.

"Sa lugar na napaka special sakin." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko.

Nakatanaw naman ako ng isang malawak na damuhan. May mga makukulay na bulalak. At isa pa sobrang tahimik dito.

"Wow jungkook ang hangin dito!" Sigaw ko at nag tatakbo at umikot ikot.

Ngumiti naman siya. At pinanuod ako.

"Tara dun oh." May tinuro siyang tindahan medyo malayo layo dito pero go na rin.

Pagdating namin sa tindahan ang daming binili ni jungkook. Nakihiram din siya ng ihawan at bumili ng hotdog na hilaw, isda at kanin. Ang dami rin nyang biniling tsitsira pati ice cream hindi pinatawad. Para bang isang linggo kami dito mag stastay.

Bumalik na ulit kami at kumain kami ng ice cream.

Nakaupo kami ngayon at etong mga binili naming pagkain ay nakalagay sa isang banig.

"Jungkook bakit special sayo to?" Tanong ko sakanya habang kumakain ng ice cream.

"Diko ko pa talaga alam itong lugar na to. Pero isang araw nalang bigla akong napahiwalay sa kanila nung naglalakad kami medyo malapit narin dito pero hindi ko pa talaga tanda yun. May lumapit saking babae mga kasing edad ko lang nun. Sabi nya nawawala din daw siya. Kaya inaya nya ako papunta dito. Sumama ako at nag laro kami nun. Oo saaminin duwag ako nun. May biglang dumating na mga lalaki na mas matatanda samin. Hinawakan nila ako at kinuha yung lollipop kong hawak. Agad namang lumapit yung batang babae dun sa mga lalaki. Ang kinagulat ko agad nalang niyang sinipa nya yung ari nung lalaking kumuha ng lollipop ko. Napahiga nalang bigla yung lalaki at yung iba nyang kasama ay nag sitakbuhan."

"Wow ang tapang mo" sabi ko sakanya.

"Sabi kasi ni kuya ganun daw ang gawin ko kapag may nang aaway sakin." Sagot niya.

"Kookie" "Yeon yeon!" Sigaw ng mga magulang namin.

Agad naman akong tumakbo at niyakap si mama.

"Nak. Anong ginawa mo?" Tanong ng nanay nung yeonyeon habang nakatingin dun sa lalaki nakahawak sa ano nya.

"Sinipa ko po siya sa ano nya." Sigang sagot nung yeonyeon

"Kinuha niya po kasi yung lollipop niya eh!" Sabay tinuro niya ako.

"Bad po siya! Nararapat po yan sakanya!" Sigaw niya.

Napatawa naman sila mama at lumapit dun sa yeon yeon at nag pasalamat pati narin sa mga magulang niya.

Napatawa naman ako ng matapos siyang mag kwento.

Kookie, ang unang pangalang pinagtawanan ko kasi akala ko cookies yun.

Bakit ko nga ba nilimutan itong lugar na to? Siguro dahil ang tagal ko ng di bumibisita dito.

At ngayon naman nagkabaliktad kami..

Siya ngayon ang nag dala sakin dito..

At parang pinakilala na rin nya sakin na siya si kookie..

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon