Chapter 2

533 32 1
                                    

NAYEON

Omo! Omo! Late na ako.

6:30 am na. At kakagising ko palang. Habang nag iinit ako ng tubig nag timpla narin ako ng coffee. Nagtoothbrush then naggayak ng mga pagkain. Hinanda ko na lahat ng mga dadalhin at susuotin ko. Upang isang daanan nalang! Galing nuh? Haha. At syempre pagbaba ko. Saktong sakto tapos na ang pagiinit ko ng tubig!

Ready na!

"Bayad po~" inabot ko ang bayad ko pero yung katabi ko nakaheadset at nakatingin sa may bintana. Syempre hindi nya ako kinig. Gayun din yung katabi ng katabi ko. Di nga nakaheadset nakatingin naman sa phone. Talaga lang! Ayaw maabala?!

Then may biglang may kamay na umabot. Familiar yung mukha nya sakin. Pero hindi ko matandaan.

"Ah, thanks po" sabi ko dun sa guy. Then nag ngiti sya sakin.

Mga konting oras nakarating narin ako sa school. Nagmadali ako at nag tatakbo. Bawal akong malate!

Hanggang sa makarating na ako sa room namin. Alam mo yung masaklap?! Wala kaming teacher! Sabi ng pres. Namin absent daw! Tsee! Nakakapagod ha?! Grabe!

"Nayeon-ssi!" Sigaw ni Yoongi at lumapit ako sakanya.

"Hayss." Sabi ko habang hinahabol ko ang paghinga ko.

At biglang nag open yung pintuan ng room. Then yun familiar guy nanaman.

"Omg! Ang gwapo talaga nya!" Sabi nung girl na nasa likod namin ni yoongi.

"Sino?" Sagot naman nung isang babae.

"Si jungkook sino paba? Tamo o, kahit pawisang pawisan." Sabi uli nung babaeng kinikilig.

Ah. Siya nga pala si Jungkook.

Tumayo yung isang babae na nag topic kay jungkook at kumuha ng towel at tubig.

Lumapit sya kay Jungkook.

JUNGKOOK

"Oppa, pawisang pawisan ka. Baka magkasakit ka" sabi ni Dasom at pinunasan yung pawis ko.

"Lumayo ka sakin please. Walang tayo. At never magiging tayo or never naging tayo! Okay? So please stop spreading rumors that we are dating! Hindi kapaba magsasawa? Hindi kaba nasasaktan?!" Sabi ko kay Dasom. At tumulo ang luha nya. Hinawakan ko ang kamay nya pero binaba ko muna yung bag ko kung saan ako nakaupo.

Hinala ko sya at dinala sa rooftop.

"Okay, Dasom! Tigilan mo na ako. Okay? Ako yung napapasama eh! Tumigil kana sa pagiyak! Maraming iba dyan! Di lang ako!!" Sinigawan ko sya. "Yan! Sinisigawan kita! Natuturn off kana ba?! Ano!" Dagdag ko.

"O-oppa." Nanginginig na sinabi ni Dasom. Niyakap nya ako bigla. "Hindi mo alam kung bakit ganito ako sayo! Hindi mo alam kung gaano kasakit itong nararamdaman ko! Jungkook! Kamukha mo yung kuya ko. Yung kuya kong namatay para sakin. Sinakripisyo nya ang lahat para sakin! Ako daw ang dapat mabuhay at hindi sya! Ako daw dapat ang magpatuloy ng lahat! Hindi ko alam kung bakit. Pero wala na akong magagawa sa desisyon ni kuya! Ang sakit jungkook! At simula ng nakilala kita. Sumaya uli itong puso! Kasi sayo nakikita ko ang kuya ko. Kaya sana! Kung hindi mo matanggap ang pagibig ko galing sayo sana naman kahit ituring mo ang kapatid mo! Masaya na ako dun! At pinapangako ko na titigil na ako sa pagsasabi na tayo na. Ju-jungkook." Kumalas sya ng pagkayakap sakin. At lumuhod sya. "Jungkook. Nagmamakaawa ako sayo. Magiging mabait ako. Pinapangako ko." Sinabi nya at dumiretsyo siya sa pagiyak.

Itinayo ko sya at uniupo sa bench sa may mga bulaklak. Inabot ko sakanya yung panyo ko. At inakbayan ko sya.

"Ngayon naiintindihinan ko na. Kung yun lang naman ang kailangan mo eh bakit di mo pa dati sinabi? Alam ko kung anong sakit ang nararamdaman mo. Kaya wag kanang umiyak. Kapatid na kita pagmula ngayon."

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon